Chapter 15: Water Element

12 1 0
                                    


<CHESKA'S POV>

Matapos naming kumain ay naisipan ni Claude na ipasyal ulit kami sa sentro ng Neo Verona. Mahahalatang mahal na mahal ni Claude ang lupaing kanyang nasasakupanan katulad din nila Rowan at ng pinakamamahal kong si Romeo.

"Sandali lang ihinto niyo!" sigaw ng beshie ko at agad naman nahinto ang karwahi at sumilip si Rowan sa amin dito sa loob.

"Bakit? May Problema ba?" tanong nito kay besh

"Claude pwede muna tayong bumaba? Tingnan niyo guys ang ganda – ganda ng ilog kumikinang pa." sabi ng bestfriend ko

"Hala! Oo nga noh?" sigaw ni Kia na agad namang bumaba sa kalesa. Sumunod naman sila Claude at inalalayan din ako ng mahal kong si Romeo.

"Oh My Geeed!" sigaw ko na namamangha sa ganda ng tanawin. Napakaganda nito dahil sa sinag ng araw, parang may mga krystal na kumikinang.

Naisipan namin na pumunta malapit sa ilog, at doon kami naglalalaro nila Kia at Ren samantalang ang tatlong magagwapong nilalang este dalawa lang pala kasi maganda yong isa hahaha, e nakatanaw lang sa amin.

Natigilan kami sa paglalaro ng may mga bandidong biglang lumapit kina Claude at di namin namalayan ay may mga lalaking bigla nalang hinawakan ang mga kamay namin ng napakahigpit.

"Swerte natin! Andito ang prinsesa!" sigaw nong lalaking nakahawak sa beshie ko. Napalingon naman sina Claude sa amin.

"Bitawan niyo sya!" sigaw ni Claude na may galit sa boses nito.

Nagpupumiglas kaming tatlo nina Kia, pero masyadong malakas ang mga ito. Binunot na nila Rowan ang kani-kanilang espada, pero sa nakikita ko napakarami ng mga bandidong nakapaligid sa amin.

Hinihila kami ng tatlong ungas nato para isakay sa kabayo samantalang sila Claude ay napapalibutan ng mga masasamang tao.

"Rowan!" biglang sigaw ni Kia ng makitang may papalapit sa likod ni Rowan agad naman niyang sinangga ang espada ng kalaban. Ganun narin si Claude at Romeo na nakikipaglaban din. Pagod na sila dahil napakarami ng mga kalaban ni hindi man lang nababawasan.

Pilit parin kaming sinasakay ng mga ugok sa kabayo pero nagpupumiglas si Kia ganun din si Ren at ako.

"Kia! Gamitin mo ang kapangyarihan mo." Huminahon si Kia ng sabihin ito ni Ren.

"Pero di ko alam kong papano." Nanlulumong sabi nito.

"Anong kapangyarihan ang pinagsasabi niyo!" pagtatakang tanong nong gagong lalaki.

"Magconcentrate ka Kia" nakangiting sabi ng kaibigan ko

Pumikit si Kia, tahimik lang kami ni Ren na tiningnan sya at umaasang magagamit nito ang kapangyarihan niya. Nang maimulat nito ang mga mata, napansin ko agad ang mga puno na animoy sumasayaw dahil sa hangin. Ginalaw galaw ni Kia ang kanyang mga daliri dahil hawak parin sya ng malaking lalaki, sa isang iglap tumilapon ang lalaking nakahawak sa kanya.

"Anong nangyari!" takot na takot na pagsigaw ng lalaki.

Ikinumpas ni Kia ang kanyang mga kamay at agad tumilapon ang mga lalaking nakahawak sa amin ni Ren. Para lang itong naglalaro habang kinukumpas ang mga kamay sabay nito ang paglipad ng mga sangang nasa lupa at animoy parang mga palaso na agad nagliparan papunta sa mga bandidong nakapalibot kina Claude.

Hindi pa nakonte si Kia at ikinumpas ulit ang kanyang dalawang kamay. Para namang papel na lumipad sa ere ang sampung bandido. Hinaharang naman nila Claude ang mga kalabang gustong lumapit kay Kia at sa amin ni Ren.

"Claude! Itakas mo na sila Ren at Cheska kami na bahala ni Rome dito, poprotektahan namin si Kia."

Agad namang sumunod si Claude at hinila kami ng beshie ko papunta sa karwahi. Hindi pa kami nakakasakay ng bilang may humigit ng kamay ko at tumilapon sa di kalayuan malapit sa ilog.

"Cheska!" sigaw ni Ren sa'kin

Hinarang ni Claude ang lalaking papalapit sa kanila, nag-eespadahan ang mga ito. Bumangon ako at nakita ang lalaki sa likuran ni Ren na papalapit na.

"Besh!" sigaw ko sa kanya pero huli na at kinulong ng lalaki ang kanyang leeg gamit ang braso nito. Hindi naman makalapit si Claude dahil napalibutan sya ng tatlong bandido, samantalang si Kia, Rowan at Romeo ay ganun parin, abala ang mga ito sa mga kalaban.

"Tubig!" sigaw ko sa kalagitnaan ng aking pag-iisip at tumakbo malapit sa Ilog at parang shunga na kinakausap ito.

"Oi prensyip kong ilog, help me naman oh, ayaw pa naming matigok dito, ngayon nga lang ako nagkalablayp tapos mag e-ending pa sa ganito, super tragic huhuhu." Pagdadrama ko sa harap ng ilog.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kinumpas ang dalawa kong kamay, hindi naman ako binigo ng kaibigan kong ilog. Para lang akong naglalaro habang nag iimagine ng kung anong gusto kong imahe na kung saan ganun din ang nagiging anyo ng tubig.

Inisip ko ang siyam na dragon na nakita ko sa kapangyarihan ni Ren at ito naman ay ang naging anyo ng tubig. Pasalamat ako at may ilog dahil nagagawa ko ito.

Napalingon sa akin ang lahat maging si Kia ay natigilan sa kanyang ginagawa. Walang kahirap-hirap ko itong kinontrol para salakayin ang kalaban at agad silang nilamon ng tubig na hugis dragon. Ngayon ay nasa loob sila nito na tila nahihirapan sa paghinga dahil nauubusan sila ng hangin.

"Cheska!" sigaw sa'kin ni Claude at nakita kong papalapit sa'kin si Romeo at bigla akong niyakap at sa isang iglap biglang nagbagsakan ang mga bandido at nagsitakbuhan.

"Tamana mahal" sambit ni Romeo at ito ang huli kong narinig bago ako nahimatay.    

She's A Book Character (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon