<REN'S POV>
"Ano nangyari sayo?" tanong ni Claude sa akin ng makita niya ang reaksyon ko pagkakita sa mga katagang nabasa ko
"Ano nakalagay Besh?" pangungusisa ni Cheska sa akin, lumapit naman si Claude at Kia
"Oh? Ba't walang nakasulat?" tanong ni Claude, tiningnan ko ulit ang pahina ng libro
"Ou nga noh? Ba't walang nakasulat?" pagtugon ni Kia
"Naku! Baka katulad yan nung libro na dahilan kung ba't tayo napadpad dito" wika ni naman ni Cheska
"Wag mong sabihin masa-suck in na naman tayo nyan" sabi ni Kia na lumayo ng kaunti sa libro
"Hindi nyo ba nakikita ang mga nakasulat sa libro?" pagtatakang tanong ko, kinuha naman ni Rowan ang libro at palipat-lipat ng pahina
"Eh wala naman talaga, ano ba nakasulat dyan? Baka ikaw lang yung nakakabasa" seryosong pagkasabi ni Rowan sabay balik ng libro sa akin
"Baka nga Ren ikaw yung THE ONE gaya ng sabi ni Rowan.. hahaha" pang-aasar ni Rome kay Rowan, may pa the one-the one pa kasing nalalaman eh, binaling ko ulit ang paningin ko sa libro at sinimulang basahin ito.
"Guys... may nakaguhit dito oh.. Isang Pentagram yata to?" agad naman silang nagsilapitan sa akin at nagtataka kung bakit nakikita na nila ang nasa libro
"Oh meh Geed..." O.A na reason ni Cheska
"Napano ka?" – Kia
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" – Cheska
"Asan? Tong nasa libro? Malamang.. di kami bulag noh!" pakikipagtalo na naman ni kia, hindi na talaga mapigil ang pag aaway nila
"Loka-loka.. hahaha syempre makikita mo, may mata ka eh, ang ibig kong sabihin, bakit nakikita na natin yan? Eh kani—" naputol ang pagsasalita ni Cheska ng sumingit uli si Kia
"Oo nga noh? May utak ka rin pala kahit minsan Cheska.. hahaha kala ko puro lang kala—"
TOINK....
"Aray! No Ba..!" – galit na sabi ni Kia ng batukan siya ni Cheska
"Magsitigil nga kayong dalawa.. puro kayo bangayan eh, kayo kaya batukan ko" pang aawat ko sa kanila ng akmang babatukan rin ni Kia si Cheska
"Hahahaha grabe talaga kayong dalawa. Ang sweet nyo" tawang sabi ni Rome at natahimik ng tingnan siya ng dalawa ng nakakamatay na tingin
"Hahahaha ang pangit mo Rome hahaha" tawang sabi ni Rowan kaya siya naman ang binalingan ng tingin ng dalawa
"Oh? Bat sa akin kayo nakatingin?"
"Alam niyo puro tayo kalokohan dito. Basahin mo na nga yan Ren" pagsingit ni Claude sa kakulitan nila.
"The Pentagram is a symbol of a star encased in a circle. The Pentagram has 5 points that represent the Five Elements, four of matter (earth, air, fire and water) and the quintessential. The word quintessential derives from this fifth element - the spirit."
"Sandali?"
"Bakit Claude may problema ba?" pagtatanong ni Rome
"Ang sabi sa libro Five Elements, pero diba apat lang? Si Ren, Cheska, Kia at si Dark King?" pagtatakang tanong ni Claude. Tama nga naman siya bakit naging lima?
"Ou nga noh? Kung ganon sino ang isa?" seryosong sabi ni Rowan
"Ibig sabihin may isa pang madadagdag sa atin?" – Kia
"Parang ganun na nga.. Five nga diba?? Eh di ang saya non.. Hehehe" pangbabara ni Cheska
"Ikaw epal ka ta—" – Kia
"Ayan na naman kayo. Pwede ba kahit ngayon lang wag kayo magbangayan?" pang eepal ko sa kanilang pag aaway, tumago naman sila bilang tugon
"Kailangan natin mahanap ang ikalimang elemento bago tayo maunahan ni Dark King"
"San natin hahanapin?" pagtatanong ni Rome
"Patapusin muna kasi natin baka andyan lang yan. Sige na Ren basahin mo na yung karugtong kung meron man" – Rowan
"EARTH - We depend on the earth for food and shelter so it is the element of life."
"AIR - Brings motion, change, like the breeze blowing away dirt and dust."
"Like the breeze blowing away dirt and dust? Eh bakit di ko mablow away si Cheska.. Hahaha.. haha.. ha.. ay!? Sorry piz" pahinang tawa ni Kia sabay hingi ng tawad dahil lahat ng mata namin ay nakatingin sa kanya. Pinagpatuloy ko uli ang pagbabasa ko.
"WATER - is a feminine energy and highly connected with the aspects of the Goddess. Used for healing, cleansing, and purification"
"Hahaha, healing... that's me.. well, well, well.. oopss... heheh sorry naexcite lang.. sige sis basahin mo na meaning ng fire" masayang sabi ni Cheska. Binaling ko ulit ang paningin ko sa libro at nagbasa ulit.
"FIRE – means Strength, Protection, Passion and connected to strong will and energy. This element helps to give the courage to face difficult tasks. But Fire both creates and ... and... and..."
"Ren? May problema ba??" Pag aalalang tanong ni Claude
"Besh? Ok ka lang ba?" segunda ni Cheska
"Ahh.. ou, hindi ko kasi mabasa yung kasunod. Malabo eh." Pagsisinungaling ko sa kanila
"Talaga? Patingin nga?" at agad inagaw ni Kia sa akin ang libro, kinabahan ako baka mabasa nila kung ano ang ibig sabihin ng kapangyarihan ko
"Eh?? Wala naman nakasulat eh, itong Pentagram lang nakikita ko" pahayag ni Kia, lumapit naman sila Claude sa kanya, at gaya ng sabi niya tanging pentagram lang ang nakikita nila.
"Ibalik mo na nga yan kay Ren, para mabasa niya yung karugtong" sabay agaw ni Rowan ng libro kay Kia at binalik sa'kin, binasa ko ulit ito pero di ko talaga magawang basahin baka sa mabasa ko mag iba ang pakikitungo nila, pero ayaw kong maglihim, malalaman at malalaman din nila ito.
"FIRE – means Strength, Protection, Passion and connected to strong will and energy. This element helps to give the courage to face difficult tasks. But Fire both creates and –" di ko natapos ang binabasa ko ng sumingit si Claude
"Destroys,and symbolizes the fertility of the God. Fire can heal or harm, and can bringabout new life or rescind the old and worn. Whoever possesses this kind of elementis a CURSE."
BINABASA MO ANG
She's A Book Character (revised)
FantasyWhat if one day, you became a book character that would make the story change itself due to your appearance, then it happens that you love being one of them. Will you remain as a book character or go back to the world were you belong? (Revised versi...