Prolouge

271 2 3
                                    

Sino nga ba si Ace? Maraming nagtatanong sa akin kung ano raw ba si Ace sa akin pero ang tanging naisasagot ko lang ay isang ngiti.

Siguro ngayon na yung tamang oras para sagutin ko yan.

Si Ace? Siya lang naman yung may pinaka-magandang ngiti sa school namin nuong highschool pa kami.

Si Ace. Siya yung taong lagi mong makikita sa corridor ng fourth year sa dati naming school.

Si Ace? Siya yung taong kahit di kayo close ay mahahawa ka talaga sa pagngiti pag nakikita mo siya.

Si Ace? Gusto ko yan eh.

Si Ace? Yan yung bestfriend ni Mr. President ng school namin nung highschool.

Si Ace? Para sakin siya yung pinakagwapong lalaki sa school.

Si Ace? Gusto ko man siya di ko naman siya malapitan kasi nahihiya ako.

Siya si Ace. Si Ace na mahal ko. Ito ang aming istorya, istorya na pinaglaruan ng tadhana.

At handa kong ipaglaban hanggang sa huli kong hininga.

-Scar Mendoza

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon