Pagong 33: Siya lang

44 4 0
                                    

*Darren's POV*

'Darren gusto kita, gustong gusto kita.'

Nagulat ako sa babae na nasa harapan ko este namin ni Nellie.

Pinagsasabi neto?

Tinignan ko si Nellie at halata ko na naasar siya dun sa babae.

'Please take this letter. Lahat ng di ko masabi sayo nakalagay dyan.'

Nahihiya niyang sabi (yung babae)

Kinuha ko yun, kasi parang ang rude ko naman kung di ko kukuhanin pinaghirapan niya rin 'to pero sorry siya iisa lang talaga ang babae dito sa puso ko.

Nabigla na lang ako nung tumayo si Nellie at umalis.

Shet naman oh! Selos yun panigurado.

'Ate sorry ah? Pero mahal ko yung asawa ko at siya lang yung taong mamahalin ko. Sorry pero di ko kayang suklian yang pagmamahal na binibigay mo sakin. Marami pa namang lalaki diyan eh sure akong may mahahanap ka pa. Kailangan ko ng umalis eh. Thank you dito at sorry. Siya lang kasi yung babaeng mahal ko.' Umalis na lang ako na umiiyak yung babae anong gagawin ko yun naman talaga ang nararamdaman ko.

Hinabol ko si Nellie at hinanap siya. Nagpaikot-ikot na ako sa buong school hanggang sa makita ko siya sa music room di siya nagiisa kasama niya si Scar naguusap sila at umiiyak si Nellie.

Ano bang nagawa ko?

--------------------------

*Nellies POV*

Nung umalis ako nakita ko kaagad si Scar at hinila siya papunta sa music room.

'A-ate Nellie? Bakit mo ko dinala dito?' Nagtataka niyang tanong.

Di ko na napigilan at naiyak na ko kaya ko siya niyakap.

'Ate Nellie? Bakit? Anong problema? Nagaway ba kayo ni Darren?' Pagtatanong niya.

Di ko siya sinagot at umiyak lang ako.

'Sige Ate Nellie. Ilabas mo muna yang sama ng loob mo tapos kausapin mo ko ha?' Sabi niya sakin.

Tumango lang ako.

After kong kumalma umupo kami sa may upuan.

'Now tell me kung anong nangyari.' Sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim.

'Kasi may nag-confess sakanya at andun ako and then may dalang letter tapos kinuha niya diba parang inaccept niya lang yung love sakanya nung babae and for pete's sake andun ako sa tabi niya. Parang nafefeel ko di na niya ako mahal. Masakit Scar eh. Masakit!' Sabi ko na naiiyak ulit.

Hinagod niya lang yung likod ko tapos tumingin diretso sa mga mata ko.

'Ate Nellie na misunderstood mo lang si Darren. Ganun talaga siya. One time nga may nag-confess sakanya tapos may letter at chocolates pa. Tinanggap niya yun dahil ang rude naman daw kung di niya tatanggapin at pinaghirapan yun nung babae pero alam mo sabi niya sa babae? Nagsorry siya kasi di niya masusuklian yung love na binibigay sakanya at sabi niya pa may mahal na siyang babae nun at ikaw yun Ate Nellie all these time ikaw lang ang babaeng mahal niya at mamahalin niya. Ganun lang talaga siya.' Napahagulgol na lang ako.

So? Mali pala ako? Sh*t ako pala may kasalanan.

'Totoo lahat ng sinabi ni Scar. Ikaw lang naman yung nasa puso at isip ko at walang papalit dun. Ikaw lang naman ang babaeng mahal ko eh. Kaya wag ka ng magalit. Kasi ikaw lang Nellie ikaw lang.' Nagulat ako nung narinig ko yung boses niya.

Agad niya naman akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

'Sorry Darren ha? Na misunderstood kita. Sorry ha?' Pagsosorry ko sakanya.

'Ok lang yun. Basta tataandaan mo ikaw lang ang pinaka mamahal kong babae.' Tapos nun nginitian niya ako at niyakap.

Nung naghiwalay na kami tinignan namin si Scar.

Babaeng 'to! Naaawa ako dito grabe kasi eh masyadong martir!

Nginitian niya lang kami.

'Bagay kayo.' Sabi niya ng nakangiti.

Peke! Yun ang nakita ko.

Alam ko namang malungkot to eh pero pinipilit niya lang maging masaya para di kami magalala.

Nagulat ako nung binatukan siya ni Darren.

'Darren ano ba? Masakit yung ginawa mo kay Scar. Ok ka lang Scar?' Tumango lang siya at nag-ok sign.

'Aray ko Darren ha? Ano problema mo?' Usal naman niya kay Darren.

'Bagay lang yan sayo. Ano ba kasi problema mo? Ayaw mo pang umamin kasi sakanya kaya ka ganyan! Tapos ano ngayon magpapanggap kang masaya? Para kayong ewan na dalawa! Tsk!' Sermon niya kay Scar.

Kung alam lang kasi ni Scar na mahal din siya ni Ace eh.

Komplikado. Yan ang sitwasyon nilang dalawa.

'Tsk! Ok lang yun! Bayaan niyo na siguro talagang ganyan di yata siya yung para sakin.'

Napabuntong hininga na lang kaming dalawa at tumango after nun lumabas na kami sa music room at pumuntang canteen gutom na rin kasi kaming tatlo.

Tsk! Kailan kaya magaaminan 'tong dalawa? Kung kailan huli na ang lahat?

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon