Pagong 10: Operation: Iwasan si Ace.

50 3 1
                                    

A/n: mag fast forward po tayo sa chapter na ito.

*Scars' POV*

It's nice to be back!

2months na ang nakalipas di ko makakailang di parin naghihilom ang sugat sa puso ko.

2months na paghihirap ko dahil sa sakit.

2months na pagiyak dahil sakanya.

Tsk! Ito na naman ang mga luha kong nagbabadya habang inaalala ko yung mga pagtitiis ko duon. Andun yung umiiyak ako tuwing gabi, andun din yung pagtingin ko sa mga pictures niya.

Pinunasan ko na ang luha ko bago ako lumabas arrival area dito sa airport.

Nakita ko na 'SIYA' at si Darren.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Parang ayaw ko siyang harapin.

Agad ko naman silang nilapitan.

'Ey! Namiss ka namin Scar!' Pagbati ni Darren.

'Namiss ko rin kayo Darren.'

'Hi Scar.' Pagbati ni Ace.

'Hi.' Malumanay kong sagot.

Agad naman kaming sumakay sa kotse at agad na nagdrive yung driver.

'Uy Darren salamat sa pagsundo ah?' Pagpapasalamat ko.

'No problem ikaw pa ba?'

Natawa ako dun.

Nga pala naiwan si Daddy dun sa Singapore may aasikasuhin pa kasi. Nauna na ako since natapos na ang business ko dun.

Tsaka may school pa akong dapat attendan.

Habang nasa biyahe naisipan kong iwasan si Ace kung maari. Ako lang kasi ang nasasaktan eh.

*Ace POV*

Pansin kong parang iniiwasan ako ni Scar. Kanina pa.

Ni hindi man lang niya ako kinausap at laging si Darren lang ang kausap niya habang nasa biyahe.

Ano bang nagawa ko? Mahirap kaya yun, yung iiwasan ka ng wala ka namang ginagawa.

Nakatingin lang ako sa kanila.

Edi sila na close.

----------------------

Andito na kami sa bahay ni Scar pero iniiwasan niya parin ako! Sh*t! Ano bang ginawa ko?

'Tita una na po ako, naghihintay po kasi si Trisha sakin eh.' Pagpapaalam ko. Ano pa nga bang silbi ko dito kung iiwasan lang din ako. Aayain ko na lang mag date si Trisha ko.

'Ayaw mo bang magstay?' Pagtatanong ni Tita.

Gusto ko sana Tita! Kaso yang anak niyo iniiwasan ako.

Kung pwede ko lang yang sabihin -_-v

'May date po kasi kami ni Trisha eh.'

Sabi ko na lang.

'Sige magiingat ka.'

'Sige po Tita salamat. Nga pala Scar, Welcome back!' Sabi ko na lang at umalis na.

*Scars' POV*

'May date po kasi kami ni Trisha eh'

That struck me! Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Ang sakit sobra!

Talagang pinamukha niya pa sakin? Tsk! Edi sila na!

--------------------

Monday na today at papasok na ulit ako.

Papunta na ako ng science room namin ng magkasalubong kami. Iniwas ko ang tingin ko at inaba ang daan. Ganun na siguro. Ayoko nang mafall pa lalo. Masakit lang.

------------------

*Ace POV*

Nakita ko si Scar papunta siya sa science room nila. Sabi ko sa sarili ko 'Baka may jetlag lang si Scar kaya ganon. Baka bukas ok na ang lahat.' Ngingitian ko sana siya kaso umiwas siya ng tingin at nagiba ng daan.

May mali talaga eh. Ano ba kasi yun? Nakakaasar na!

Isang buong araw akong bad trip dahil sa nangyari kanina. Wala akong kinakausap, kahit girlfriend ko di ko pinansin, di ako kumain at buong araw na nakasimangot!

Masisisi niyo ba ako kung ganito ako? Di ako pinapansin ni Scar! Epal!

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon