Pagong 12: Burst it out Ace.

47 3 1
                                    

*Darrens' POV*

Nakahiga ako sa kama habang katxt si Nellie *blush* nang biglang may nagbell nung door bell.

Sino naman kaya yun? 9pm na kaya.

Bumaba na ako at pinagbuksan ng pintuan ang nag doorbell at nambulabog sakin.

Pag bukas ko tumambad agad ang mukha sakin ni Ace. May dala siyang beer at halatang malungkot siya. Ano kayang nangyari dito?

'Oh ba't ka nandito?' Tanong ko.

'Darren inom tayo. Gusto ko magpakalasing eh' sabi niya.

Pinapasok ko na lang siya, at pinaupo sa sala. Pagbibigyan ko na 'to kahit may pasok bukas. Ok lang yan.

Binuksan ko yung beer ko at beer niya.

Hanggang sa malasing na siya. Hinintay ko siyang malasing para ma-burst out niya yung problema niya.

'Alam mo Darren, di ko akalaing masasaktan ako dahil sa sinabi niya. Di ko akalaing maglalasing ako dahil sakanya. Yun ang masakit eh. Kala ko friends na kami, yun pala naawa lang siya sakin. Grabe *sob* ang sakit lang, kala ko si Trisha ang makakasakit sakin ng ganto pero siya pala yung una.'

Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito itong lalaking ire. Tsaka ngayon ko lang nakitang umiyak 'to dahil sa babae.

'Sino ba yang tinutukoy mo?' Pagtatanong ko.

'Si Scar. Kaya kami late ng nakauwi kasi nastuck kami sa room nung kinder. Tapos dun niya na sinabi ang lahat. Dapat pala di ko na lang tinanong kung bakit niya ako iniiwasan kung ako lang pala masasaktan.' May luha sa mga mata niya.

'Baka may dahilan siya kaya niya yun sinabi?' Pagbibigay ko ng pagasa sakanya.

Pero di ata tumalab.

'ANONG REASON?! Pesteng REASON yan! SH*T ANG SAKIT EH! BAKIT KAILANGAN AKONG MASAKTAN NG GANITO? ANG GUSTO KO LANG NAMAN KAIBIGANIN NIYA AKO EH! PERO ANONG NAPALA KO? ISANG AWA LANG ANG NAKUHA KO!' Pansin kong talagang nasasaktan si Ace.

Ano ba kasing iniisip ni Scar?

Pansin ko rin na iniiwasan nga niya si Ace.

Dati ko pang alam na may gusto siya kay Ace kahit na di niya sabihin.

Pero bakit niya naman ipupush away yung taong mahal niya? Sigurado akong may dahilan and I'm going to find the reason why she's doing all this sh*tty crap!

'Just burst it out Ace. Mababawasan yang sakit pagna-burst out mo sakin yan.' Sabi ko na lang and there nag kwento siya.

-----------------

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon