Pagong 34: Mahal ko SIYA

40 3 2
                                    

*Scars' POV*

Eto kami ngayon sa tambayan namin malapit sa gym kasama ko si Jana, Ryan, Yannie at Alhen.

Uwian na kasi pero napag-desisyonan naming mag-stay at tumambay muna.

Ayoko rin kasi muna umuwi bakit? Dahil sa nangyari kanina.

Ewan ko naguguluhan ako sa dalawang couple na yun.

'Uy Scar ok ka lang?' Nabalik ako sa realidad nung tinanong ako ni Jana.

Tinanguan ko na lang siya at ngumiti.

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan habang ako nakikinig at nakikitawa lang.

'Guys samahan ko lang si Alhen ha? Babalik din kami.' Pagpapaalam ni Ryan.

Itong dalawang mag jowa talaga na ire di mapaghihiwalay.

Tumango na lang ako at nginitian siya.

Umalis naman agad sila pagkatapos nung tanguan session namin.

'Grabe ang sweet nilang dalawa no?' Kinikilig na sabi ni Yannie.

'Inggit ka naman?' Tanong ko ng may ngising nakakaloko.

'Di ah! Tsaka hintay lang kayo magkaka-bf din ako!' Diterminado niyang sabi.

Tumawa lang ako at tumango.

Napatingin ako sa labas dahil may mga naglalaro sa grounds, masaya silang naglalaro at mukhang walang pinoproblema buti pa sila.

Aish! Scar ano ba yan!

Dumating na sila Alhen at Ryan kaya natuloy na yung kwentuhan namin.

Napatahimik na lang ako bigla.

Nakita ko kasi siya mukhang susunduin niya si Trisha nakatayo lang siya sa gilid ng pinto ng gym nakita ko kasi si Trisha na pumasok sa gym may p.e class siguro sila.

Thinking about it ang swerte ni Trisha dahil boyfriend niya si Ace sobra.

Napahinga ako ng malalim, naisip ko yung sinabi ni Darren sakin.

Siguro time na rin para sabihin ko sakanya.

'Guys may sasabihin ako sainyo.' Sabi ko ng di nakatingin sakanila sakanya lang ako nakatingin.

Nakita kong maglalagay siya ng earphones pero tinigil niya nung nakita niyang nakatingin lang ako sa mga mata niya.

'Alam niyo may tao akong mahal, sa sobrang pagmamahal ko sakanya pati kaligayahan ko sinuko ko na. Halos araw-araw akong nasasaktan dahil sa kanya, dahil sa kanila ng gf niya. Pero di ko yun pinapakita sakanya kasi ayokong malaman niyang nasasaktan ako. Guys alam niyo I-I push h-him away.' Napaiyak na ko pero nakatingin parin ako sa mga mata niya.

'I push him away because I don't want to fall for him even more pero wala eh trydor 'tong puso ko before I knew it mahal ko na pala siya. Halos araw-araw akong nasasaktan. Halos araw-araw akong umiiyak. Andyan na yung time na nasaktan ko na pala siya. Oo sinaktan ko siya pero sa ginawa kong yun ako pa yung lalong nasaktan. Alam niyo guys siya lang yung taong mahal ko. Siya lang yung taong lagi kong iniisip. Ang saya ko pa nga nung one time na bumisita siya sa bahay ko kasi naaksidente ako, sabi sakin ni Darren na siya daw yung naghatid sakin sa kwarto ko nun at inalagaan niya ko. Bakit ganon? Lahat na ata ng sakit pinaranas ko sakanya pero ito pa rin siya tinutulungan ako. Lagi kong sinasabi sa sarili ko dati na 'Ok lang na ako yung masaktan basta makita ko si Ace na masaya kasama niya' yan, yan ang mga linyang lagi ko sinasabi sa sarili ko. Minsan gusto ko umamin pero pinangungunahan ako ng takot bakit? Kasi alam kong di niya yun kayang masuklian. Tanggap ko yun. Tanggap ko.' Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko yung mga yan pero di ko tinanggal yung tinggin ko sakanya. Halata na gulat siya pero pinagpatuloy ko parin.

'Ay napahaba na ata yung kwento ko sige dito ko na 'to tatapusin. Sige uwi na ko. Alis na ko bye! Ingat kayo!' Sabi ko sabay takbo. Tumakbo ako, tumakbo ako hanggang sa mapagod ako.

'AHHHH OO OO! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! MAHAL NA MAHAL KITA ACE!' Sigaw ako ng sigaw. Iyak ako ng iyak.

Umalis na lang ako at pumunta na sa condo ko.

Pagkadating na pagkadating ko kumuha ako ng beer sa ref at uminom.

'Bakit kasi ikaw pa Ace eh?!'

--------------------------

*Ace POV*

Sa sinabing yun ni Scar bigla akong nabuhayan ng pagasa at natuwa and at the same time naasar ako sa sarili ko. Ang manhid ko. Mahal niya ko pero di ko alam.

Tumakbo agad ako at sinundad siya pero pag labas ko wala na siya.

Gusto ko siyang yakapin ngayon at sabihing mahal ko rin siya.

All this time akala ko ako lang yung nasasaktan pero di ko alam siya yung higit na nasasaktan.

Sorry Scar. Sorry!

Napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko.

Kung maaga ko pa kaya nalaman na mahal ko siya masasalo ko pa kaya siya?

Kung maaga ko kaya nalaman na mahal ko siya masasaktan pa kaya siya?

Kung maaga ko kaya nalaman na mahal ko siya kami na kaya?

Pero babawi ako sakanya once na matapos na 'to sasabihin ko na sakanya na siya yung totoo kong mahal.

Scar mahal kita at papatunayan ko yan sayo.

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon