Pagong 28: Confessions

40 3 0
                                    

*Scar POV*

'Wala ka bang crush?' Tanong ni Ma'am Garcia.

Close ko 'tong si ma'am simula 1st year siya lang yung teacher na napagsasabihan ko ng lahat.

'Huh? Ano po yun?' Pagtataka kong tanong.

'Sabi ko kung may crush ka.' Paguulit niya.

'Uhm? Opo.' Nahihiya kong sagot at nag patuloy na sa pagche-check ng papers

Nakita ko kasi si ma'am dito sa classroom at nakita kong ang dami niyang chinechekan na papers kaya ayun tinulungan ko na lang siyang magcheck since 3:00 pm palang naman at wala na akong klase.

'May balak ka bang mag-bf?' Tanong niya ulit dun ko na nabitawan ang ballpen ko.

'Opo.' Nahihiya ko paring sagot.

'So? Sino crush mo?' Tanong niya ulit.

Teka nakaka halata na ako ha?

'Teka ma'am bakit po ba?' Tanong ko.

Binigyan niya lang ako ng sagutin-mo-na-lang-look.

'Si Ace Bermudez po.' Sabi ko.

'Talaga? Close ko yun! Gusto mo sabihin ko?' Luh pinagsasabi neto ni ma'am.

'Uy ma'am wag naman po plss?!' Pagmamakaawa ko.

'Sige na nga hahaha!' Tawa niya.

Hay! Kahit kailan iba talaga gumana utak netong teacher na to!

-----------------------

*Ace POV*

Papunta ako kay ma'am Garcia.

Hihingi lang ako ng advice sakanya about sa nararamdaman ko kay Scar.

At kung anong gagawin ko kay Trisha.

*tok tok* pagkatok ko sa pinto ng classroom at agad naman akong pumasok.

Nagulat ako kasi andun si Scar.

Aatras na sana ako kaso nakita na pala ako ni ma'am nginitian niya na lang ako at sinagot ko na lang siya ng ngiti at tuluyan ng pumasok.

'Ace pwede upo ka sa tabi ni Scar?' Pagtatanong ni ma'am.

Luh? Ano na naman 'to?

Bumibilis na naman puso ko.

'B-bakit po ma'am?' Pagtatanong ko.

Kinakabahan ako.

'Paki tulungan nga si Scar mag-check ng papers mukhang nahihirapan na eh.' Sabi sakin ni ma'am tumango na lang ako at umupo na lang sa tabi ni Scar.

Halata namang nagulat siya.

Binigyan niya na lang ako ng papers na ichecheck ko.

'U-uhm Scar? P-patingin nung correction.' Sabi ko kay Scar.

At putek nauutal ako.

Nakita kong naguguluhan siya.

Kaya pala iisa lang yung correction. At nagiisa lang yun.

Nilagay niya yung correction sa gitna namin.

At nagcheck na kaso tahimik lang siya.

Ok na yun nakasama ko naman at nalapit naman ako sa taong talagang mahal ko.

(1 hr later)

Kakatapos lang namin at sobrang pagod na yung mga kamay namin.

'Oh ano? Kaya pa?' Tanong ni ma'am.

Agad namang napamulat si Scar.

Tumingin lang siya kay ma'am.

'Ma'am kailangan ko na pong umalis nakalimutan ko po kasi yung gamot ko sa bahay.' Pagpapaalam niya.

'Sige ingat ka ha?'

'Sige po' sabay kuha niya ng bag niya.

-.-

Iwas pa more! Masakit Ms.Mendoza!

Pagkaalis na pagkaalis ni Scar agad namang tumingin si ma'am sakin.

'Anong sadya mo?' Sabi niya ng seryoso.

Magsisinungaling sana ako at sasabihing wala kaso naunahan na ako.

Binigyan pa ako ng don't-you-dare-lie-to-me-look.

Tsk!

'Sige na nga.'

'Ma'am you see I love her, I love Scar but I already have a girlfriend at huli ko ng nalaman na mahal ko siya.' Sabi ko sabay yuko.

'Sino bang mas mahal mo?' Napaangat ulo ko sa sinabi niya.

'S-si Scar po.' Diretso kong sagot.

'Oh yun naman pala eh.'

'Pero ma'am pano na si Trisha. I don't want to hurt her.' Sabi ko sabay yuko ulit.

'Alam mo Ace part ng love ang pain pero mas ok na yung sinabi mo ng maaga kay Trisha na may mahal ka ng iba para di na siya masaktan lalo. Kasi Ace ang pinaka masakit ay yung malaman mo sa iba na di ka na pala mahal ng taong mahal mo. Mas ok na yung malaman niya sayo at hanggang maaga eh nalaman niya para less yung sakit.' Payo ni ma'am

Agad naman akong napangiti.

'Thank you ma'am!' Saad ko.

'Sige na uwi na.' Sabi niya na iiling-iling pa.

Tumango na lang ako ng nakangiti at umalis na.

Sana maging ok na ang lahat pagkatapos nun sasabihin ko na ang lahat-lahat kay Scar.

Thank you Mrs. Garcia.

--------------------------

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon