Pagong 4: Thingking about her?

48 2 1
                                    

*Ace POV*

Aish! Ano ba 'to di naman ako makatulog!

Ano ba Ace matulog ka na nga?! Hating gabi na gising ka pa rin!

Ay grabe di talaga ako makatulog!

Ewan ko ba kung anong ipekto ng babaeng yun sakin kung bakit ako ganto ngayon.

Tsk! Bigla-bigla na lang akong napaisip kung paano sila naging close sa isa't isa.

Oo laging kinukwento ni Darren sakin na may babae siyang kaibigan dati pa na sobra sa bait at close siya sa Family nito pero di ko namang akalain na si Scar pala yun.

Bigla na lang akong napa-buntong hininga, di ko na kinakaya ang mga pangyayari.

Nga pala, Ako si Ace Bermudez. 17 years old. Best friend ni Mr. President Darren Yoo. Palatawa ako, mapagbiro at sabi nila medyo snob pero para sakin? Parang di naman.

Napaisip na lang ako bigla kung bakit ko iniisip si Scar? At kung bakit pilit kong iniisip kung paano sila naging close?!

Actually noong inutusan ako ni Mrs. Castro na tulungan si Scar. Um-oo kaagad ako. Ewan ko kung bakit?

Tapos nung nakita ko siya na sumali rin dun sa club na sinalihan ko parang ang saya.

Ay ewan ko ba sa sarili ko! Nababaliw na ako, puyat lang siguro 'to! Oo puyat ka lang Ace kaya matulog ka na! Bukas mawawala din yan.

Tsk! Makatulog na nga lang. Baka sakaling mawala na 'to bukas.

------------------

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon