Pagong 35: Prom

42 4 2
                                    

*Ace POV*

Ito ako nasa loob ng kotse ko nagiisip ng pwedeng mangyari ngayong gabi.

Napangiti ako nung alalahanin kong mahal din ako ni Scar. Masaya sobra kaso naisip ko there is only a little time to be with her. Time pass so fast. Nakakalungkot ayokong iwanan siya kaso di pwede.

Bakit kasi di ko siya nakilala agad? Bakit kasi nakilala ko siya patapos na ang school year? Bakit kasi ang tanga ng puso ko? Bakit kailangan ko pang masaktan bago ko malaman na siya naman talaga mahal ko?

4 months ago puro sakit at panggugulo sa utak ko ang binigay niya sakin pero ito ako ngayon minamahal siya. Iniisip ko palang na magkasama kami napapangiti na ako pano pa kaya kung totoo na?

*ring ring*

Nabalik ako sa realidad nung nagring yung cellphone ko. Sinagot ko agad yung tumawag without looking at the callers name.

'Hello sino 'to?' Pagtatanong ko.

'Ace si Trisha 'to. Asan ka na ba? Baka malate tayo!' Si Trisha pala. Kahit kailan talaga ayaw malate eh.

'Ito na pababa na ko ng kotse ko. Hintayin mo ko pa-doorbell na ko.' Sabi ko sabay baba ng cellphone.

Oo ako escort niya. Ito request niya ano magagawa ko? Naalala ko tuloy yung pumunta siya sa bahay kahapon.

*Flashback*

*tok tok*

Napatayo ako at binuksan ang pinto.

'Oh ma bakit?' Pagtatanong ko nagtataka kasi ako at umakyat siya dito wala pa naman kasing dinner.

'Anak may bisita ka kasi sa baba.' Sabay ngiti niya. Wide smile kung baga. Sino kaya yun? Pabitin si Mama eh.

'Sino ba yun Ma?' Tanong ko.

'Gf mo si Trisha! Dali na bumaba ka na.' Excited niyang sabi napabusangot naman ako.

'Ma di ko na siya gf.' Sabi ko. Time naman ni mama para mapasimangot.

'At bakit?' Kailangan ko pa bang ikwento? Pero siguro naman kailangan di malaman ni mama no?

'After namin magusap Mama promise sasabihin ko sayo.' Pagkatapos nun bumaba na ako.

'Oh Trisha napadalaw ka?' Simula ko.

Nginitian niya lang ako. Umupo nalang ako sa tabi niya.

'Ace bukas na yung last day na sakin ka diba?' Pagtatanong niya, ramdam ko yung sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Tumango na lang ako.

'Pwede bang ikaw ang escort ko bukas? Last day na natin eh? Gusto ko lang maging memorable 'tong prom na ito bukas. Please?' Malungkot niyang sabi.

'Sige! We'll make this prom the most memorable prom you'll ever have.' Sabi ko nalang.

Niyakap niya ako bigla. Alam kong masakit sakanya na iwan ko siya pero lalo lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin 'to. Siguro naman may iba pa na hihigit sakin diba? Siguro ito na rin yung sinasabi niyang wag ko daw muna siyang iwan. Siguro ito yung time kung kailan kaya niya na akong pakawalan.

'Thank you Ace! Thank you for everything!' Sabi niya.

Kumawala na ako sa yakap namin.

'Alam mo kahit na di na tayo at kahit na di na natin mahal ang isa't isa pwede mo naman akong maging kaibigan diba? Nandito lang naman ako eh. Pwede mo kong takbuhan pag may problema ka. Thank you rin Trisha dahil sayo marami akong natutunan. Di man matagal yung pinagsamahan natin pero naging masaya ako. Sorry kung may mahal na akong iba at sinasaktan kita. Ayoko lang ipagpatuloy 'to kasi alam kong ikaw lang yung higit na masasaktan. Thank you and sorry.' Sabi ko.

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon