Pagong 32: Sweet Trisha and Jealous Scar

40 4 0
                                    

*Scars' POV*

Ito ako hatak-hatak ni Jana papunta kaming canteen kahit ayaw ko kasi nga madadaanan namin yung 4th year corridor.

'Aish! Jana ano ba? Ayoko nga dito eh.' Pagrereklamo ko.

Napatigil siya at humarap sakin.

'Bakit ayaw mo? Kasi makikita mo si Ace kasama yung gf niya? Kasi makikita mo silang sweet sa isa't isa at masasaktan ka lang? Scar Mendoza move on na please? Masasaktan ka lang.' Sabi niya napatango na lang ako.

Agad niya naman akong hinila at naglakad na.

Napatigil ako kaya napatigil din siya.

Napatigil ako dahil sa nakita ko.

Bakit ganito ako? Bakit sa tuwing nakikita ko sila lagi na lang magbabadya ang mga luha ko?

Tinignan ko sila sa malayuan with tears in my eyes.

Masaya yun ang makikita mo sa mga mukha nila.

Ang sweet nila sa isa't isa at sobrang saya pa. Nakayakap si Trisha kay Ace habang si Ace nakatingin lang sakanya na nakangiti.

Ang sweet ni Trisha.

I'm happy kasi nakikita kong masaya silang dalawa.

Tumulo na ang mga luha ko sa next kong nakita. Hinalikan ni Ace si Trisha.

Sana ako na lang siya pero di pwede.

Ang gulo kong tao.

Sasabihin kong masaya ako para sakanila pero iiyak iyak ako dito.

Nagulat ako nung hilahin ako ni Jana sa isang room.

'Mind telling me everything?!' Ma-awtoridad niyang tanong.

Tumahimik lang ako ayokong magsalita.

'Scar!' Pasigaw niyang tawag sakin.

Napatingin na lang ako at umiyak.

'Ano iiyak ka na lang ba dyan?'

Umiling ako.

'OK YOU WIN JANA! SIGE SASABIHIN KO SAYO! MAHAL KO SI ACE NO SCRATCH THAT MAHAL NA MAHAL KO SI ACE AT ETO AKO NAGSESELOS TUWING NAKIKITA KO SILANG MAGKASAMA AT SOBRANG SWEET NA KULANG NA LANG LANGGAMIN SILA. BAKIT? BAKIT GANON? DI NIYA BA AKO NAKIKITA? ETO AKO OH? NASASAKTAN. MAHAL KO SIYA EH, SOBRANG MAHAL! AT NAGSESELOS AKO KAHIT DI NIYA NAKIKITA! ANO MASAYA KA NA? MASAYA KA NG NALAMAN MO?' Sigaw ko habang umiiyak.

Niyakap niya lang ako at pinatahan.

'Jana pwede iwan mo muna kami?' Napatingin ako sa nagsalita si Ivan pala.

Tumango lang si Jana at umalis na.

'Scar?' Tawag niya sakin.

'I-Ivan?' Tumakbo agad ako sakanya at yumakap sakanya.

'Shhh tama na, di ba sabi ko sayo wag ka ng iiyak? Ayoko pa namang umiiyak ka. Tahan na.' Pagpapatahan niya sakin sabay hagod sa likod ko.

Nung kumalma na ako bumitaw na siya sakin.

'Ok ka na ba?'

Tumango na lang ako.

Pinaupo niya ako sa isang chair at umupo siya sa harapan ko.

May inilabas siyang box mukha sa bulsa niya.

'A-ano yan?' Tanong ko.

'Ito?' Tingin niya sa box pagkatapos ay binuksan niya tapos kinuha niya ang laman nito.

Isang kwintas na may pendant na snow flake at may blue na diamond sa gitna.

'Scar para 'to sayo.' Sabi niya ng nakangiti.

'Ha? Ano? Bakit naman? Di ko naman birthday?' Tanong ko.

'Sabi ng Lola ko ibigay ko daw to sa babaeng importante. Scar ikaw ang pinaka importanteng babae sa buhay ko kaya binibigay ko 'to sayo.'

Nagulat ako sa sinabi niya.

I-importante ako sakanya?

Nginitian niya lang ako at sinuot sakin yung kwintas.

'Thank you.' Sabay ngiti ko.

'Ayan para pag malungkot ka titignan mo lang yan at maaalala mong ayaw ka makita netong lalaking 'to na nagngangalang Ivan na malungkot ka para ngumiti ka.' Sabi niya sabay ngiti.

Nginitian ko na lang siya at niyakap siya.

----------------

*Ace POV*

Alam niyo yung masakit, yung makita mong may kayakapan ang taong mahal mo.

Umalis na lang ako. Masyadong masakit.

Gusto ko mang suntukin at palayuin yung g*gong Ivan na yun di ko magawa!

Tumakbo ako papuntang gym at naglaro ng basketball.

Di ko alam kung hanggang anong oras ako dun bigla akong napatigil nung lumapit si Darren sakin at hinawakan ako sa balikat.

'Tama na tol.' Pagpapatigil niya sakin.

Tinanggal ko lang ang kamay niya at nag patuloy na.

'Gusto mo bang tawagin ko pa si Scar? Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh.' Napatigil ako sa paglalaro.

'Tawagin mo, para namang may pakielam sakin yun.' Pagkatapos nun ay naglaro na lang ulit ako.

Kahit na pagod na pagod na ako di parin ako tumitigil gusto ko lang mawala yung sakit.

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng gym siguro lumabas na si Darren.

Naglaro lang ako ng naglaro.

Napatigil ako nung may humawak sa balikat ko. Siguro si Darren 'to.

Pag harap ko nakita ko si Scar nakatingin sakin. Walang emotion.

'Tumigil ka na!' Ma-awtoridad niyang sabi.

Di ko akalaing pupunta siya dito.

'Ano bang pakielam mo? Wag mo kong patigilin sa ginagawa ko ok?'

Halatang nagulat siya pero agad naman niya itong napalitan.

'SABI NG TUMUGIL KA NA EH! GINAGAWA KO TO DAHIL SABI SAKIN NI DARREN AYAW MONG MAKINIG SAKANYA AT BAKA MAGKASAKIT KA! KUNG AYAW MONG MAGPATIGIL SIGE ITULOY MO YAN! BAHALA NA GIRLFRIEND MO MAGALAGA SAYO!' Sabay alis niya.

Nakatulala lang ako sakanya at napaupo.

First time niyang sigawan ako para patigilin at tingin ko last na rin to

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon