Messieurs Picture Perfect - Chapter 10 [Finale]

4.3K 106 20
  • Dedicated kay Suzette Macabontoc
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

THEY were in the middle of the sea, malayo ang resort na pinanggalingan nila at medyo malayo pa sila sa isla na unang pupuntahan sana nila. Itinigil muna ni Billy ang motorboat para makapag-usap sila ng maayos. Wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na basagin ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. Hinihintay naman kasi niyang magsalita ang binata na mukhang hirap umpisahan ang sinasabi nitong rason nito kaya siya nilayuan. Somehow, mas gusto na niyang huwag na lang magsalita ang binata para hindi niya marinig ang mga sasabihin nito. Natatakot siya. Yes, sad but true pero natatakot siya sa mga sasabihin nito. It might hurt her heart so much.

“Zette...hindi ko alam kung saan magsisimula. May rason ako kaya kita nilalayuan sana huwag kang magalit sa akin.”

“Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa, Billy. Sabihin mo na lang ng diretso.” Para isang sakit na lang. Pinatatag niya ang sarili habang hinihintay ang talagang rason ng binata sa paglayo dito.

“Nung tinawag ako ni Miss Ai, dumiretso ako sa kwarto niya. She was devastated about the news na I confessed to you: na mahal kita...”pag-uumpisa nito. Nakaupo ito sa kabilang bahagi ng motorboat na nakatapat sa kanya. He was staring straight at her at nakikita niya naman ang sincerity.

Bakit ba kasi kinukuwestiyon pa ng epal na babaeng si Ai ang pagmamahal niya sa akin? Inggitera talaga! Grrrr!!! Hindi niya maisatinig ang mga nasa isip dahil gusto niyang magpatuloy lang ang binata sa pagsasalita.

“Actually nung una I was like: what’s the matter? Lahat naman nagmamahal katulad ko but then pinaalala niya sa akin ang kontrata ko and the risk of losing everything na pinaghihirapan ko.”

Exaggerated naman! Mawawala ang lahat dahil minamahal lang ako? Napataas ang kilay niya dahil sa sinabing iyon ng binata pero wala pa rin siyang sinabi.

“Nung naging successful ang magazine na ginawa nating dalawa, nagbigay ng bagond kontrata si Miss Melody. It was great kasi ang kompanya na ang bahala sa scholarship ng mga kapatid ko meaning makakapag-ipon ako ng maayos para sa future nila at para na rin sa future ko pero merong demands sa lahat ng magandang bigay.”

She gritted her teeth. She knew what demand was that. “I got it. That demand was about preserving your bachelorhood at nung nag-confess ka sa akin it makes it more complicated buti at wala pa si Melody that time at ang mga staff ko ay walang pakialam sa  buhay ng iba. I get it para di mawala ang kontrata mo you really need to leave me.”

“Y-yeah...kaya lang nasasaktan ako tuwing nakikitang nasasaktan ka dahil iniignora kita or even treat you as just a photographer. Mahal talaga kita Zette, you make my boring and plan life really happy. Somehow, lahat ng work ko ginagawa ko for my family but right now, being a model and working with you makes me very motivated and just simple being next to you makes me a complete person...kaya nga iniisip ko na bal—.”

“Baliwalain ang pinaghirapan mo dahil sa iniisip mong nasasaktan ako? Bakit ako masasaktan dahil di mo ako pinansin?” mas tinarayan niya pa ang boses niya with matching taas kilay. Pinalamig niya lalo ang boses niya. She understand na para matupad ni Billy ang mga pangarap nito sa pamilya at sa sarili dapat malayo siya. “You.are.making.me.laugh, Billy. Sino ka ba to think na nasasaktan ako dahil hindi mo ako pinapansin? Nagsisigaw ako kanina dahil nasaling mo ang pride ko as an Imperial pero hanggang doon lang iyon. You are nothing to me, just another model who I discovered.”

“H-huwag kang magsinungaling,” makikita ang sakit sa mga mata ng binata mas mabuti ng saktan niya ang binata ngayon kaysa pagsisihan nitong pinili siya para sa future ng pamilya. Mas hindi niya kakayanin yun.

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon