Messieurs Picture Perfect - Chapter 8

2.3K 52 2
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

NAPANGANGA siya sa nakitang mga swimsuit sa loob ng bag niya. Dahil na rin kasi sa wala siyang tulog ay inutusan niya ang kanyang bunsong kapatid na si Iris na ipag-empake siya ng damit. Alam naman kasi nito ang taste niya sa mga damit. Meaning opposite ng taste nito. Lahat naman ay okay sa kanya maliban na lang sa mga swimsuit na inilagay nito. Kung hindi kasi two piece at halos kita na ang lahat ay one piece nga pero wala na rin halos matakpan.

Napabuga siya ng hangin. Meron namang di masiyadong revealing sa mga iyon. Pinagtripan lang siguro siya ng bunso niyang kapatid. Hinablot niya ang break beat swimsuit na naalala niyang iniregalo nito sa kanya noon but she never wear them dahil nga sa may pagka-conservative pa rin naman siya. It was a one piece floral print swimsuit with top and bottom that meet at the bust line, top tie back, and bottom side ties. Kumuha na rin siya ng cover up para kaya niya pang maglakad hanggang sa dagat kung saan ay sure siyang naghihintay ang lahat.

Nang matapos na ang pagbibihis at nagandahan naman siya sa resulta ay lumabas na siya ng cottage niya. Nandoon pa rin at naghihintay sa kanya si Zacharias.

“Akala ko tinulugan mo na ako eh.”

“Sows. Alam mo namang mabagal akong magbihis no. Dapat di mo na lang ako hinintay. Reklamador ka talaga,” nakangising turan niya kay Zach.

Inilagya nito ang daliri nito sa harap ng labi nito at nag shhhhhhh sa kanya na ikinatawa naman niya. Iba kasi ang ipinapakita nito sa mga katrabaho nito. He needs to be Zach ‘The professional Model’ infront of anyone kaya naman mas gusto nitong kasama siya or si Melody nito dahil nga mas nakakapambalahura ito.

Naglakad na sila patungo doon at nakita niyang napalingon sa gawi nila si Billy. At first ay nakangiti ito but that handsome smile wash off nang makita ni Billy na nagtatawanan sila ni Zach. Nagtataka siya kung bakit but she just shrugged it off. Nagtry siyang wag masyadong tignan si Billy dahil sa isang dahilan... napakaganda talaga ng abs nito. Isa sa mga weakness niya ay ang perfect abs.

Meron din naman kay Zach pero hindi niya alam kung bakit mas nakakahatak ng pansin niya ang magandang katawan ni Billy. She wanted to laugh and cry at the same time. Natatawa siya sa sarili niya dahil mangali-ngaling mag-sign of the cross siya dahil sinful na naman ang iniisip niya and cry of joy dahil Uh-lala talaga.

Pinauna na niya si Zach na maligo. Nagpaiwan siya sa tapat ng umbrella ng mga kagrupo niya at pinanood ang mga taong nagsisilanguyan at nagkakatuwaan sa may dagat. It was peaceful. Nakakarelax until naramdaman niyang may tumabi na sa kanya. Humiga ito sa tabi niya at saka lang siya napalingon. It was Billy.

“Bakit ayaw mong mag-swimming?”

“Medyo mainit pa kasi. I want to swim later on. Masakit pa sa balat ang araw.”

“Then I will swim with you later on too,” nakangiting turan ng lalaki sa kanya that made her feel something strange in her heart again.

“Baka mamaya niyan batuhin nila ako dito dahil pinipigilan ko ang isa sa mga model nila na makipag-mingle sa mga staff. Ayaw kong kasuklaman nila no.”

“Kung batuhin ka nila ako ang magiging shield mo sa mga pambabato. I won’t let them hurt you.”

Napabuga siya ng hininga at tumagilid na hinarap na ang lalaking laging laman ng isipan niya. “Now, tell me...bakit mo ito ginagawa?”

Napatanga itong nakatingin sa akin. “What am I doing? Wala naman akong ginagawa ah.”

“Why did you kiss me? No. Wag muna tayo diyan sa question na yan. I told you  to not get near me...right?”

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon