Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.
MATATAPOS na ang photoshoot nila. It took longer than usual. Dahil na rin sa isa siyang landscapre photographer ay gusto niyang pumunta sa labas imbes na magkulong sila sa loob ng studio. The first two days ay sa studio sila pero naaasar siya sa paligid kaya naman nagdecide siyang sa labas naman sila magphotoshoot.
Thanks to her ever reliable assistant na si Kimy ay nakakuha siya ng idea sa magiging story ng magazine cover. Well, Kimy suggested na ifeature na lang ang buhay ng isang breadwinner/nanay-tatay ng isang pamilya ng mahirap. Tama lang din naman sa concept na new beginning ang gagawin niya dahil mababago ang buhay ni Billy once this project is done.
Napatingin tuloy ulit siya sa lalaking nakikipaglaro sa mga kapatid niya. Nag-iisa siya sa loob ng maliit na bahay ng magkakapatid. Nakatira sila sa squatters area sa may Tondo. Mabaho, masikip at matao habang nagpho-photo shoot sila pero keri lang. Inutusan kasi niya si Kimy na bumili ng makakain sa kung saan. Lahat naman ng staff ay nagkayayaang kumain sa isang turo-turo malapit na rin sa bahay nila Billy.
She can stay in a squatter’s area for a couple of hours pero hindi siya kakain sa turo-turo. NEVER! Nanginig nginig pa siya habang iniisip na si Suzette Imperial kakain sa turo-turo. Pinabili niya tuloy si Kimy sa pinakamalapit na fine dining dito sa tondo.
“Miss—.”
“Zette na lang sabi. Ilang beses ko dapat sabihin yun?” Nakataas ang kilay na turan niya sa lalaki.
“Ai sorry po—.”
“At wala rin dapat po dahil natanda akong lalo sa iyo.”
“Sabi ko nga eh, Zette. Sure kang ayaw mong kumain kila Nay Linda? Masarap naman pagkain doon.”
“Nope. I won’t. Hintayin na lang natin si Kimy. Malapit lang naman dito ang Kenny Rogers.”
“Miss Zette, sorry at nahuli ako,” hinihingal pang turan ni Kimy.
“Ayan na pala, ihanda mo na—,” napatigil siya sa pagsalita ng kunin ni Billy ang pagkain sa kamay ni Kimy.
“Ako na ang maghahanda. Nakakahiya na ngang si Miss Kimy ang bumili ng pagkain kahit na nagprisinta akong ako na lang ang bibili kasi mas sanay ako sa lugar dito.”
“Si Kimy lang nakakaalam ng gusto kong pagkain. All the food na naandyan is to my liking. Diba Kimy? Hoy! Napatulala ka naman diyan.”
“Sorry naman, Miss Zette. Kinikilig pa ang baby bangs ko no! Nahawakan ako ng soon to be famous magazine cover model no.”
“Ahhh. Ewan ko sa iyo. I’m hungry!”
“Sige, Zette at ako na ang mag-aayos nito saglit. Mga bata, makipaglaro muna kayo sa dalawang magagandang babae sa bahay natin,” nakangiting turan ni Billy sa mga kapatid niya.
Makukulit ang mga kapatid nito katulad ng kapatid niya. In some way ay alam niya kung paano makilaro sa bata, afterall panganay rin naman siya.
“Hello ulit mga bulilit,” nakangiting turan ni Kimy sa mga bata. Open arms pa ang loka at feel na feel pa nga nito na parang mag-asawa sila ni Billy. Napapa-rolleyes tuloy siya ng wala sa oras.
Napansin naman niyang nakatingin sa kanya ang pinakabunso sa magkakapatid. Si Eingel. Napangiti siya at kinawayan ang bata. Napaka-cute kasi nito at halatang napakainosente pa. Pinalapit niya ang batang babae sa kanya at agad naming lumakad ito.
“Ate Tet. Si Kuya ba at si Ate Kimy?”
“Hindi no. feelingera lang yang babaeng yan,” natatawang turan niya sa bata at biglang niyakap. Naalala niya si Iris nung bata pa ito. She’s just too cute.
![](https://img.wattpad.com/cover/1775669-288-k458474.jpg)
BINABASA MO ANG
Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)
RomanceCopyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved. TEASER: Ma. Suzette Imperial. Landscape Photographer. Black-mailer. Perfectionist. Insane. Panganay na anak ng kilalang business man na si Romano Imperial. She hates everything na hindi perfect and gue...