Messieurs Picture Perfect - Chapter 1

10.7K 91 5
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

“FINE. Pagbibigyan kita sa ngayon, friend but this will be the last time you will ask me this insane favor and I have one condition, ako ang mamimili ng model na gagamitin ko. Wala ka dapat violent reaction ha.” napabuntong hiningang pakli ni Suzette or mas kilala bilang Zette ng nakararami. Melody Tan, her bestfriend and Zachary’s not so secret fiancee. Tatlo silang lumaki ng sabay sabay and they knew each others dark and deep secret.

“Yup, friend. Maraming maraming salamat. Sure akong papatok itong magazine ko for this month dahil ang kilalang landscape photographer at ayaw kumuha ng litrato ng isang tao ay nagawa kong kombinsihin. But sure, hindi ako mag-violent reaction. When it comes to art, bilib ako sa iyo. I will leave you with your photography and model na gagamitin.”

“Mas mabuti ng nagkakaintindihan tayo, friend at saka hindi mo naman ako nakumbinsi dahil favor itong ibinabalik ko lang. Kung alam ko lang na ito ang hihingiin mong favor ay sana hindi ko na hiniram ang yatch mo noong kinailangan kong tumakas sa siraulong lalaking yun.”

“Well kanya-kanyang diskarte yan, friend. Aba hindi mo lang naman hiniram ang yatch ko. pinasabog mo rin kasi alam mong masusundan ka ng hinayupak na lalaking yun. Hindi naman basta-basta ang pinasabog mo no.”

“Well, pwede ka namang humingi ulit ng yate. Alam mo namang ayaw na ayaw kong kumuha ng litrato ng isang tao.”

“Kaya nga yun ang hiningi kong favor eh. Did you know na sa loob ng yate na iyon ay naandoon ang mga importanteng gamit ko na galing pa kay Daddy? Tapos papasabugin mo lang? Kaya kong bumili ng yatch, pero not now. Masyadong magastos.”

“Kuripot,” natatawang turan ni Suzette sa kaibigan niya.

“Hindi kuripot ang tawag doon. Nagtitipid lang ako, masyado akong magastos for this year. Hindi naman kasi madaling kumita ng pera. At hindi rin naman ako kasing yaman mo no. By the way, narinig kong magpapakasal na ang kapatid mong si Irvin. Friend, mauunahan ka pa ng kapatid mo.”

Nakaupo sila sa loob ng opisina niya sa M.S Imperial Studio and Learning Center. Isang bulding na iniregalo ng papa nia sa kanya 5 years ago. She’s turning twenty nine this year at hindi siya na-bobother kung mas mauunahan pa siya ng kapatid niyang lalaki na magpakasal. Wala naman kasi sa pangarap niya ang makasal. Handa na naman siyang maging matandang dalaga. Hindi naman siya man-hater or anything. In fact, marami na siyang naging boyfriend noon and all of them are short-term relationship. Madali kasi siyang magsawa at alam niyang hindi siya yung tipo na magseseryoso sa isang lalaki. Dalawang bagay lang ang kaya niyang magseryoso; her family and photography.

“Seriously, friend? I thought you know me? Kelan ko ba pinangarap na masakal sa isang lalaki? Wala pang lalaki ang makakapagpaiba ng isip ko about that.”

“Para kang lalaki kung makapagsalita ng ganyan. Ai bahala ka, sure ako na kakainin mo ang words mong yan.”

“Well, let’s just say that... I’ll cross the bridge when I get there.”

Napatingin ito sa relo nito at napasinghap. “Ooops. I need to go. Si manong Zacharias nag-eemo na naman at kailangan ng kakwentuhan.”

“O sige, puntahan mo na ang love of your life,” panunukso niya dito na ikinamula ng babae.”

“Shut up, friend.”

“Shoo. Shoo,” natatawa pa ring turan niya. Nang makalabas na ang kaibigan ay napasimangot siya. Pinindot niya ang telephone sa harap niya at tinawag ang secretary niya. “Kimy, send the profiles of the top models at my office, ASAP.”

“Yes, Ma’am. Right away.” Yun lang at ibinaba niya na ang telepono at nagsimula ng pumili sa mga pictures na kailangan niyang iprint out.

Yes, everyone knows that she is the worst perfectionist in the entire planet. Kahit nga ang sarili niya ay hindi niya gusto dahil alam niyan isa siya sa mga nasa kategoryang ‘di perpekto’ that is why she’s doing the best thing she can to make her work perfect.

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon