Messieurs Picture Perfect - Chapter 6

2.3K 49 0
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

NAGKAKALOKOHAN na ba tayo ngayon, Melody?!” Naasar na turan niya sa kaibigan niya. Mukhang niloloko na siya nito sa kung anong mga gusto nitong ipagawa sa kanya. It’s been two months since that ‘indecent’ incident nila ni Billy. Ni ayaw na nga niyang magpunta sa Opisina ni Melody or sa building man lang nito dahil na rin sa kadahilanang wala na siyang mukhang maipapakita kay Billy.

Akala ko ba beauty ang makikita niya sa face mo? E bakit parang ayaw mong ipakita ngayon? Panunukso na naman ng isang bahagi ng utak niya.

Oh Shut up! Asar na turan niya sa sarili.

“Nope. I am not. Nakausap ko ang Tito Romano and he said that it’s gonna be perfect para na rin sa ikauunlad ng isa sa mga company na hawak ng mga Imperial. Para rin naman kaya ito sa pangalan niyo.”

“Why the heck did you talk to my dad instead of me? Ako at ang company na hawak ko ang namamalakad nito. Not Dad!”

“Well, kilala na kasi kita Zette. I am so sure na hindi mo ako mapagbibigyan kapag sinabi kong gusto kong maging kakontra mo na magazine. Tito Romano agreed kasi akala niya ay okay ka na sa pagkuha ng litrato ng mga tao.”

“So pinuntahan mo si Dad kasi alam mong hindi ako makakatanggi sa kanya. I never thought na gagawin mo ito sa akin, Melody.”

“It’s just business. Naintindihan ako ni Tito kasi nga meron din siyang business at alam niyang makakatulong ito sa pag-unlad na rin ng Studio mo. C’mon, Zette, para namang ikukulong na kita dito no. You still can do what you want. Take picture of natures... pero kapag kailangan ka as a photographer ng mga models ko, ay dapat okay ka. Atsaka, sila Zach at Billy lang ang mga model na pipicturan mo. I know na sila pa lang ang mga model na kampante ka.”

Billy. Just by hearing his name ay nagkaroon na siya ng mala-bagyong feeling sa loob niya and she knows it is bad. As in BAD. Para namang on cue na biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang model na kampante siya pero mas napako ang paningin niya kay Billy na that time ay napatingin na rin sa kanya.

Yung totoo Lord? Pinaparusahan mo ba ako dahil sa pagiging maldita ko? Nature ko na po yun pero kung para sa ikatatahimik ng isip ko, magbabago na po ako basta wag lang ganito. Nagugulo po ang beautiful full bangs ko.

“Zette! Long time no see! Antagal mo ring hindi nadalaw sa amin ha. Akala ko pagkita natin ay ermitanya ka na pero wala ka pa ring kupas,” nakangiting turan ni Zach sa kanya na nakapagpatigil ng pagtititigan nila ni Billy.

“I know na maganda pa rin ako. At anong ermitanya? Hindi naman porke sinusubsob ko na ang sarili ko sa trabaho ay papabayaan ko ang beautiness ko. I’ve been busy doing some forest shoot. Namuhay ako sa gitna ng mga puno kasama ang iba kong staff so I am sure na di ko muna makokontak si Kimy ng ilang araw at sure din akong magbababad yun sa bars at kung saan saan dahil antagal niyang di nakakita ng ibang tao.” Natawa ang lahat sa loob ng opisina pero ang tawa lang ni Billy ang parang naririnig niya. Masamang senyales.

“Sit down, gentlemens. Ipapakilala ko sa inyo ang bago niyong photographer under MT. Miss Suzette Imperial.”

“Well, it’s gonna be pleasure to be working with you atlast, Zette,” turan ni Zach at inilahad ang kamay for a shake hands.

“Not a pleasure to be working with you, Zach,” pabirong turan naman niya at kinuha ang kamay for a friendly shake hands.

“Zette... I can’t wait to be working with you soon. Again,” sabi naman ni Billy at inilahad na rin ang kamay for a shake hands. Natapunan niya ng pansin si Zacharias na nakangisi at nakataas ang kilay. Ang hinayupak kasi, hindi naniwala sa alibi niya. Dapat ay hindi niya tatanggapin ang shake hands niya but knowing Zacharias. Kapag lumabas na si Billy sa loob ng opisina ay babagyuhin siya ng kung anu-anong tanong.

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon