Messieurs Picture Perfect - Chapter 2

3.5K 55 2
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

 “A-ano ho ulit iyon?” Nagugulat pa rin siya sa mga nangyayari. Baguhan pa lang siya when it comes to modelling. Well, wala naman talaga siyang alam when it comes to it. He got scouted dahil sa may experience na siya sa modelling but dahil maganda daw ang katawan niya.

“Ang slow mo naman,” Naaasar na turan ng photographer na pinaghubad siya kanina. She was called Zette by the big boss at yung isa pang babae na nakatingin lang sa kanilang tatlo.

“Billy, where’s your manager?”

“Si Miss Ai po? Actually po pupuntahan ko sana siya sa opisina niya. Meron daw po akong trabaho sa susunod na linggo.” Miss Ai or mas kilala bilang Ailem De Guzman ang pangalan ng kanyang manager.

“Well, We will talk to your manager para masettle na lahat ito,” sabi na lang ni Melody sa kanya.

“Anong kaguluhan ito?” Malumanay pero maririnig mo ang inis sa boses ng dumating na babae. It was none other than his manager.

“Miss Ai, pasensia na po at nahuli ako sa pagpunta sa opisina niyo po. Pinahubad po kasi ako ni Zette at pina-pose.”

“Pinahubad? Wait... that shouldn’t be right. Human exploitation yan. Lalo na at walang permiso sa akin. I am his manager.”

“Human exploitation? As far as I know, andito ang big boss ng magazine na ito. At she saw his portfolio na. I approved of it at pinahubad ko siya sa studio dahil ito ang second interview. You should be happy dahil napili ko siya bilang model sa next issue ng magazine niyo. A manager should always be happy when there’s a big oppurtunity knocking on her/his talent’s door and right now, yun ang nangyayari.”

“I am happy—.”

“Yun naman pala eh. Talk to my assistant-slash-secretary Kimy para makapag-set na tayo ng date for photoshoot at interview.” Yun lang at lumakad na ang magandang photographer palayo.

“Bakit ka naman kasi naghubad sa maliit na babaeng iyon?” Ngayon lang niya nakitang asar na asar ang mabait na Manager niyang si Ailem. When it comes to beauty, hindi naman nalalayo ang kagandahan nung photographer at ang manager niya.

Napangiti siya dito. “Sorry na, Miss Ailem, pero it’s a good oppurtunity na rin diba? May big break na ako.” Totoong napakasaya niya nakakuha siya ng project withour his manager at hindi lang basta basta project. It was a big project.. Sure siyang kapag natapos na niya ang project na ito ay mapapag-aral na niya ang mga kapatid niya.

“O sige basta wag kang maghuhubad ng wala ako ha. Gusto ko pa namang makita ang bod—.”

“Hold it right there...” Nanggagalaiti sa galit ang mukha ng babaeng akala nila ng manager niya na umalis na. Nakita niyang maputla ang mukha nung sumusunod kaninang secretary nito.

“Dapat di niyo tinira ang height ni Miss Zette,” kinakabahang tugon ni Kimy.

“Yes?” Nakataas ang kilay ni Ailem kay Zette.

“Kalakas ng loob mong tawagin akong maliit. Bakit matangkad ka ba?” nakalapit na ito sa tapat ng manager niya.

“Hindi rin ako matangkad. Bakit mo ako pipigilang magsabing maliit ka kung maliit ka? Bakit bawal bang magsabi ang mga maliliit na maliit ka?”

“Uhmmm. Tama na po. Pareho naman kayong cute eh,” napapakamot ng ulo niyang turan at ngumiti.

“That is why I don’t like people!!! Arrrrggg! Melody, you are really gonna pay for this. Kimy, lets go! And you little lady, yes ikaw nga, Miss Manager. You make sure na wala ka sa photoshoot or else maghahanap ako ng bagong model.” Yun lang at lumakad na ito papalayo.

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon