Messieurs Picture Perfect - Chapter 4

2.3K 49 3
                                    

Copyright © 2012 Chiichoi. All Rights Reserved.

 “WHAT’S this all about?” Nakakunot noong turan ni Zette sa kanyang ever reliable na assistant na si Kimy.

“Invitation yan, Miss Zette. Ipinadala ni Miss Melody para daw po sa party na gaganapin sa Hyatt. It’s a celebration party para sa success ng Magazine dahil na rin po sa inyo at kay Billy.”

“Kelan ba yan?”

“This Friday po, Miss Zette.”

“I can’t go. Meron akong schedule sa Friday diba?”

“Yun nga po ang nasa schedule. Si Miss Melody ang nagpabook ng Friday slot niyo.”

“Okay. I’ll talk to Melody. Thanks.”

Ayaw niya talagang pumunta doon and there are two major things why she hate to go there. Una ay masyadong crowded. Everybody knew that she’s not good with too many people around or better yet too many unperfect people around. And nextly, si Billy. Si Billy na nagpapataas ng kilay niya dahil lagi itong napasok sa utak niya.

She tried to go to his place once para sa kapatid nito. Tinaon niyang wala talaga ang binata dahil masyadong hassle iyon para sa kanya.

Hassle dahil?

Aba malay ko. sagot ng isang bahagi ng utak niya.

Hassle dahil isa siyang babae na hindi mahilig sa mga unperfect things/people but when it comes to liking a person madali siyang mainlove and that will definitely a hassle to her plus the fact that she’s 4 years older than him. No good! Her type is much older than her dapat kasi ayaw niyang maging taga-‘alaga’ ng boyfriend.

She took the telephone off the hook and dialed Melody’s number. Nakailang ring lang at sinagot na rin ng kaibigan.

“Melody. I can’t go.”

“Bakit? Wala kang schedule sa Friday. Pinagbigyan na kita sa request mo sa akin ilang linggo na nakakaraan. Pagbigyan mo naman ako dito, Zette.”

Napag-isip tuloy siya ng wala sa oras. It was nice of Melody na hindi nito pinatulan lahat ng mga kumalat na kontrobersyal about sa pagiging model ni Billy, a new recruit model, sa isang kilalang magazine. Ni walang nakakakilala kay Billy dahil nga ni wala pang commercial ito and such.

“Fine but don’t blame me kapag merong nagsabing masama about me sa iyo. You know me.” Yun lang at binaba na niya ang telepono at tinawag ulit si Kimy papasok.

“Yes, Miss Zette?”

“Tuloy na ang pagpunta sa party. Maghanda ka rin, isasama kita.”

“Yes! Marami na naman akong fafable na makikita. Makikita ko rin si fafa Billy! Weeeee!” nakakalokang turan nito at nakangiting umalis. Maybe she was indeed insane for recruiting such an insane assistant.

BILLY! Male-late na tayo sa party. Bilisan mo diyan.”

“Yes, Miss Ailem,” sabi niya at tumingin ulit sa salamin. His nervous for some reason. Hindi niya rin mawari kung bakit pero nae-excite din siya. Well, he got a news na darating daw si Zette sa party. It’s been almost a month since huling nakita niya ang photographer na nagpabago ng buhay niya in just one cover. “Uhhmmm. Miss Ailem, darating ba talaga si Miss Suzette?”

“Unfortunately Yes. Yan ang sabi sa akin ni Miss Melody but I have to thank that small lady too dahil sa kanya mas dumami ang offer sa iyo. Let’s get going.”

“Right away,” sabi niya at sumunod na sa manager niya na lumabas ng hotel room na pinaglalagian niya. Nagpasya siyang mag-stay na sa hotel kung saan magdadaos ng salu-salo. Sinabihan na din niya ang kapatid niyang si Luke na alagaan muna ang mga bata. Nakapag-hire na rin naman kasi siya ng kasambahay nila kaya panatag na siya na iwan muna kahit isang araw lang ang mga kapatid.

Messieurs Picture Perfect (A May-December Affair Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon