TROY's POINT OF VIEW:
"Tatay! Tatay tignan mo po ito oh!" Tumatakbong lapit saakin ni Vans papalapit saakin. Si Vans ang anak ni Zayn at Nami pero pinili kong ituring syang anak. Minahal ko na rin sya na parang totoong anak. Pinapaltan ko ang pangalan ko at pangalan ni Nami. Ang dating Louis, naging Troy Austin at ang dating Nami naging, Alessa Clara. Hindi kami maikasal ni Nami dahil wala kaming papeles at tuluyan nya naring nakalimutan ang nakaraan sa tulong ni Kervz.
"Aanuhin ko dyaryo?" Tanong ko sa kanya at ininom ang kape na itinimpla nya para saakin.
"Try mo kainin Tay!" Aba! Naku naman! Kinuha ko ang dyaryo at binasa ito.
'Zayn Malik's On Going Career; Pagbabalik-Bansa Ng World Wide Idol Na Si Zayn Malik, Magdaraos Ng Libreng Concert Para Sa Mga Kapwa Pilipino.
Zayn: Hindi naman mahalaga saakin ang pera. Ang mahalaga saakin ay ang pag-kanta'
"Oh? Tapos? Ano gagawin ko?" Tinaasan ko sya ng kilay at sinimangutan nya ako.
"Punta tayo tay! Libre naman daw eh!" Nagulat ako sa sinabi nya. Namuo ang kaba sa aking dibdib. HINDI ITO MAAARI.
"Hindi Vans! Walang pupunta sa ganyan ganyan!" Inubos ko ang kape ko kahit mainit sa sobrang kaba.
"Tay naman eh! Pangarap ko ito! Alam mo namang idol ko yang si Zayn eh! Tignan mo oh magkahawig kami! Para kaming mag-ama!" Hindi ako maka-pag salita.
"So ano mo ako? Ako ang kamukha mo anak hindi yan! Basta! Walang pupunta! Makinig ka saakin!" Iniwan ko sya dun na naka-nganga at pumunta ako sa kwarto.