NAIILING na pinagmasdan ni Erin ang mga malalapit na kaibigan habang isa-isang nagsasalita sa harapan ng mga taong dumalo sa kanyang requiem. Hindi niya alam kung aatungal sa iyak dahil sa mga sinasabi ng mga kaibigan bilang pag-alala sa kanya or gugulo sa tawa sa hitsura ng mga kaibigan niyang halos maghalo na ang sipon at luha sa kakaiyak ngunit panaka-naka namang tumatawa. Hindi niya lubos akalain pinapahalagahan pala ng mga ito ang pagkakaibigan nila, lalong-lalo na sa mga kaklase niyang pasaway. At mas hindi niya lubos akalaing mahalaga pala siya sa mga ito.
“We,” sabay-sabay na bigkas ng mga kaklase niya. May iba pang nagsisinghot-singhot at nagha-hyperventilate sa kakaiyak. “May annoy you sometimes, tease you to the fullest, gives you a bad headache but we love you so much.”
“Kung binigyan ka namin ng pag-asa,” nanginginig ang boses na wika ni Karyme. “Kung binigyan ka namin ng rason para labanan ang sakit mo, a reason to smile and a reason to look forward for the future,” tumikhim muna ito bago nagpatuloy, “binigyan mo rin kami ng masasayang alaala. Masasayang alaala na kailan man hinding-hindi namin malilimutan kahit wala ka na sa piling namin.” Ngumiti ito sa direksyon ng kanyang walang buhay na katawan. “Maraming salamat sa lahat ng luha, tawa-” kamot-ulo binalingan nito si Zoey na tila ba nanghihingi ng tulong. Hindi niya naiwasan matawa sa kaibigan. Halatang hindi na nito alam ang susunod na sasabihin. “Salamat sa pagtitiwala sa akin, sa lahat ng sikretong ibinahagi mo… ah basta salamat sa lahat lahat. Na kahit pa hindi mo ako sinabihan patungkol sa sakit mo-”
Agad na inagaw ni Zoey ang mikropono and looked straight at her as if she can saw her. “Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay namin Erin,” umpisa nito kahit na pinipilit ni Karyme makuha ang mikropono mula rito. “Na kahit pa maiksing sandali ka lamang namin nakasama, it was worthwhile naman. Salamat kasi kahit ikaw ang nahihirapan ka na sa sakit mo gusto mo pa ring makasama at makabonding kami. Salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa amin na makasama ka sa mga huling araw mo sa school.” Nanginginig ang mga kamay nito habang dahan-dahan nitong pinupunasan ang mga luha. “Sabi mo sa video mo you treasured our crazy days well, we also treasured those crazy days we’ve spent with you. Thank you also for coming into our lives Erin and for all those memories. Gaya ng sinabi ni Karyme kanina, hinding-hindi ka naming makakalimutan. Paalam kaibigan.”
For the second time, she waved her friend goodbye but this time the smile plastered in her lips was a genuine one.
“Gustuhin ko man sundin ang hiling mo,” mangiyak-ngiyak na sabi ng sumunod kay Zoey, “hindi ko magawa at hinding-hindi ko magagawa.” Nahagit niya ang kanyang hininga nang nakilala ang taong nagsalita. Lucian. “Hindi maaring hindi ako malungkot. Oo nga’t natapos na ang paghihirap mo dahil sa sakit at sa treatment mo pero masakit ang kapalit. Hindi na kita makikita pang muli. Nawala ka na agad sa akin. Hindi pa nga kita naliligawan, ni hindi pa nga ako nakakapagtapat ng harapan sa’yo, nawala ka na.” He cleared his throat. “I know somehow I’ve taken you for granted, I’m sorry for that. And I’m so sorry for the wasted time. I know I wasted a lot of it and I regretted ever second of it now that you’re not by my side.” Inilayo nito ang mikropono at hinayaan ang sariling umiyak. “I love you,” malakas na saad nito nang nahimasmasan. “Ikaw lang ang tanging taong minahal at mamahalin ko hangga’t nabubuhay pa ako. Pangako, ikaw at ikaw lang. So please wait for me there, okay. Susunod din ako soon and by that time walang sino man o ano man ang makapaghihiwalay sa atin.” Matamis itong ngumiti sa kawalan kahit na nag-uunahan nagsilabasan ang mga luha nito. “Have a safe trip, my love. I’ll see you soon.”
Tulad ng mga tao sa loob ng simbahan, tulala ring nakatitig si Erin sa lalaking taas noong naglakad papunta sa kanyang kabaong at walang kaabog-abog na hinalikan ang salamin. Taas noo rin nitong hinarap ang kanyang mga magulang at buong higpit na niyakap. Ilang minuto ang lumipas nang natauhan na rin sa wakas ang mga tao roon. Ang iba nagpatuloy sa pag-iyak, may iba namang hindi naiwasang sulyapan si Lucian at pag-usapan ang mga binitiwang salita nito kanina.

BINABASA MO ANG
Angel of Love {Erin's Light Book 2}
ChickLitWould you die for the one you love? For Erin she will but her only problem was; she was already dead and if going back to the world of living was her only way to save her Lucian from misery, gagawin niya, even if it cost her heart broken.