(A/N): Hi! Pasensya na po talaga kung sobrang tagal ng upadate ko ng Angel of Love. Gasgas man na dahilan pero talagang super busy ko talaga nitong nakaraang mga buwan. Anyways, sa mga nagbabasa nito at patuloy na naghihintay ng update ko lalong lalo kay @MhaRy_gurL at sa mga friends niya–na hindi ko na maisa-isa–na talagang nag-join forces sa paghahanap ng update ko, para po sa inyo'to. Salamat sa walang sawang pagsupporta. Hi bunso @deyabels na sobrang nahumaling kay Aiden ko este Aiden niya pala.
'Oy may changes nga po pala akong ginawa sa story na 'to. Nasa Chapter two po iyon. At saka may upcoming na Visual Novel nga pala ang Erin’s Light. Ayiiee! Ako na ang excited!
Next update? Next year na naman. One chapter each year ito. Charing!
***
PASIMPLENG tinapunan ni Erin ng tingin si Amber. Prenteng nakaupo lang ang bata sa kanyang kama at tahimik na nakikinig sa masayang kuwentuhan ng kanyang mga bisita. Ang mahihinang tawanan at excited na boses ang gumising sa kanya nang araw na iyon. Wala na siya sa ICU sa halip nailipat siya sa isang malaki at napakacozy na kuwarto. Wala na ang mechanical ventilator na nakaconnect sa kanyang bibig. Pati ang kanyang catheter tinanggal na rin. Tanging ang ECG machine at suwero ang naiwan.
“Mabuti naman at gumising ka na DE,” nakangiting saad ng babaeng naka-slacks na puti at may kulay pink na may imprint na teddy bear na blouse.
“Oo nga,” segunda ng katabi nitong may parehong uniform sa una. “Sobrang nag-aalala na kami sa ‘yo.”
“Alam mo ang dami mong namiss na mga happenings dito sa hospital dahil sa pagiging sleeping beauty mo ng two and half years!” ani ng babaeng naka all white.
“Natetempt nga kami minsan na pahalikan ka kina Titus at Angelo para lang magising ka.”
“At pag-aawayin n’yo na namana ang dalawang iyon.”
“DE? Are you okay? Namumutla ka yata. Masakit ba ang katawan mo?”
Umiling siya. “Ang totoo niyan,” one by one she looked at her unknown visitors. “H-hindi ko kayo kilala. Sino kayo? Bakit kilalang-kilala ninyo ako? And why are you calling me ‘DE’?” Tahimik na tinitigan siya ng anim. “Can anyone tell me what’s going-”
“DE! Totoong gising ka na!” Sinugod siya ng yakap ng bagong dating. “Ano? Kumusta ang pakiramdam mo?”
“A-Ate Ashwary?”
“Anong ‘ate’?”
Masaya siyang nakita muli ang nurse na nag-alaga sa kanya bago siya namatay. Kinukuwentuhan siya nito ng kung ano-ano kapag nabobored na siya sa kanyang kuwarto. Hindi siya nito iniiwan kapag nagsimula na ang kanyang treatment at palagi nitong hinahawakan ang kanyang kamay bilang supporta nito sa kanya. Kapag ito ang nurse-on-duty niya pansamantala niyang nakakalimutang may taning na ang kanyang buhay.
“‘Ate Ashwary’? Bagay sa 'yo Ash,” tumatawang sabi ng matangkad na babae sa likuran ni Ash. “Hi DE!”
“Hi April-” Natigilan siya nang mapagtantong kilala niya ang babae ngunit sigurado siyang iyon pa lang ang unang pagkakataon na nakita niya ito.
“Hala! Bakit kayong dalawa kilala niya samantalang kami hindi?”
Sa tanong na iyon nagkagulo ang mga tao sa loob ng kanyang silid. Kanya-kanyang pakilala ang mga ito sa kanya. Nagkanya-kanyang banggit ito ng mga kaganapang kasama niya ang mga ito ngunit nang sabihin niyang wala talaga siyang naaalala nagpanic ang mga ito. Kumalma lang ang mga ito nang pasukin sila ng kanyang doctor at pinaalis ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Angel of Love {Erin's Light Book 2}
ChickLitWould you die for the one you love? For Erin she will but her only problem was; she was already dead and if going back to the world of living was her only way to save her Lucian from misery, gagawin niya, even if it cost her heart broken.