Chapter Six: His memories and doubts

238 17 13
                                    

SHE is weird! tahimik na komento ni Lucian sa sarili habang pinagmamasdan ang pasimpleng panlalaki ng mga mata nito at pag-awang ng bibig. Tila gulat na gulat ito na hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. Ano’ng meron? Matagal na nitong alam na ang pangalan ng kaisa-isang anak ng paborito nitong Ninang. Ngunit kung makapagreak ito ngayon parang ito pa lamang ang unang beses nitong nalaman ang impormasyong iyon. She lost her memory Lucian, paalaala niya sa sarili. Pero kanina noong hindi pa dumating ang kanyang ina, umakto itong kilalang-kilala siya. She even called him…

Light. Nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan nang maalaala iyon. Alam niyang gawa-gawa lamang nito ang sinabing dahilan nito sa kanya kanina. May mas malalim pa itong dahilan sa pag-iyak nito kanina. Walang sino mang basta na lang umiiyak sa harapan ng isang natutulog na tao kung wala itong malalim ng pinaghuhugutan. Pero ano? Ngayon lang sila nagkita ni Delaney. Ano namang dahilan nitong iyakan siya na tila ba nangungulila at nasasaktan ito nang makita siya?

And why did she call him ‘Light’? She said she was trying to wake him up but why call him ‘Light’? Si Erin lamang ang tanging taong tumatawag sa kanya ng ‘Light’ at kalian man hindi siya tinatawag nang ganoon ng ina. So saan nito nakuha iyon?

Why? Mataman niya itong pinagmasdan. Nagtatanong ang mga matang sumulyap sa kanilang likuran. Bakit magkaboses kayo ni Erin? Mayamaya’y nanliliit ang mga mata nito habang hindi tinatanggal ang titig sa kanilang likuran. Who the hell are you Delaney?

“Delaney?” tawag ng kanyang ina rito ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Abala itong tinatanaw ang kung ano mang nakikita nito sa kanilang likuran. “Delaney?” Hindi na siya nagtaka nang hindi na naman nito pinansin ang pagtawag ng kanyang ina rito. Bigla itong nagbuntong-hininga. “Delaney!”

“Butiking kalbo!” natatarantang sigaw nito na dahilan upang tumindig na naman ang kanyang mga balahibo. Bigla niyang naalaala ang unang beses na narinig niya iyon mula sa bibig ng babaeng tanging minahal niya.

They were in first year high school and it was their first day of school. Nakatayo sa isang malaking bulletin board si Erin na para bang may hinahanap. Tahimik niyang nilapitan ang dalaga.

“Sana top section ako. Sana magkasection kami–ayun! Corbella, Lucian,” bulong nito habang nasa mga papel ang tingin. “Top section siya. Ang galing! Sana ako rin.” Umiling siya narinig. “Lagdameo… Lagdameo–ha! Lagdameo, Erin Andrea. Yes! Magkaklase pa rin–”

“Ano’ng binubulong-bulong mo riyan?”

“Butiking kablo!” Hinarap siya nito. “Light naman!”

“Wala pong butiking kalbo,” natatawa niyang saad. Kakaiba talaga kung mag-isip ang isang 'to. Napakalawak ng imahinasyon. “Ni wala ngang buhok ang mga iyon.”

“Sa mundo ko, meron. At isa-isa nang nalalagas ang mga buhok nila dahi sa stress.”

Umalingaw-ngaw sa tahimik na pasilyong iyon ang malutong niyang tawa.

Gusto sana niyang sagutin ng ‘walang butiking kablo’ ito gaya nang nakasanayan niya kay Erin ngunit napagtanto niyang hindi si Erin ang nasa harapan niya ngayon.

Umirap muna ito bago siya binalingan ng tingin.

“Oh I’m sorry hija. I didn’t mean to scare you,” saad ng kanyang ina. “It just that you’re spacing out and–”

“Your glaring at the door as if someone is standing there,” pagtatapos niya. Sinulyapan muna niya ang pinto. Wala siyang nakikita kakaiba roon. “Tell me, may nakikita ka bang taong nakatayo roon? Siguro isang taong kinaiinisan or kinaiiritahan mo kasi if not, you won’t glare and roll your eyes like that.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel of Love {Erin's Light Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon