Chapter Two: A task, a punishment or both?

412 18 15
                                    

“HUWAG mo namang takutin ang bata Aiden,” nakakunot-noong wika ni Amber habang nakahalukipkip sa harapan ng lalaki.

        Tinapunan ito ni Erin ng kakaibang tingin. Kung bata siya ano ang tawag dito?  Fetus, aniya. Tumikhim siya at pilit na tinatago ang ngiti sa mga labi nang tapunan siya ng matalim na tingin ni Amber. Inirapan muna siya nito bago muling binalingan ang lalaki.

        “Aiden, ipaliwanag mo munang mabuti kay Erin ang lahat para naman hindi siya maguluhan,” mahinahong utos ni Amber sa lalaki.

         Mataman muna siyang tinitigan ni Aiden bago ito nagsalita. “Nangdahil sa ginawa mo, araw-araw nang umaasa si Lucian na magpapakita ka uli sa kanya. Umiiyak siya gabi-gabi sa pag-aakalang tutuparin mo ang banta mo sa kanila, na magpapakita ka oras na umiyak sila. Umaasa siyang muli ka niyang makausap, mayakap at mahalik. At dahil doon, ikinulong niya ang sarili sa nakaraan, sa nakaraan ninyo. Na kahit hindi pa siya nabigyan ng pagkakataong ipahayag ang damdamin niya para sa ‘yo at iniwan mo kaagad siya, binabalik-balikan pa rin ni Lucian ito. Sa ginawa niyang iyon, tumindi ang panghihinayang nararamdaman niya sa mga sinayang niyang sandali at nakaramdam din siya ng hinanakit sa ginawang mong pang-iiwan sa kanya.”

        “I-imposible ‘yang sinasabi mo.” Bago ang kanyang libing, alam niyang natanggap na ni Lucian ang pagkamatay niya.

“Imposible?” ulit nito. He fist gave her the I-can’t-believe-you-said-that-look before he waved his hands. “Eh anong ibig sabihin niyan?”

Wala sa sariling sinulyapan niya ang direksong ng ikinumpas nito. Tanging bulto lamang ng isang lalaki ang nakita niya noong una sa sobrang dilim ng paligid. Nakayuko lang ito at panaka-nakang umiinom ng alak. Mayamaya’y narinig niya itong humikbi. Lumapit siya rito upang sana’y aluin ito ngunit agad siyang natigilan nang mag-angat ito ng mukha at diretsong tumingin sa kanyang mga mata ang kulay tsokolateng mga mata nito. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan nang makilala ito.

“Erin…” sabi ni Lucian na para bang nakikita siya nito. “Bakit mo ako iniwan?”

Nahagit ni Erin ang hininga sa narinig. Parang tinaga ang kanyang puso nang marinig ang boses nitong puno ng hinanakit, hinagpis at pagdaramdam. Tahimik na ikinuyom niya ang mga kamay at mariing na ipinikit ang mga mata. Nasasaktan siya para rito. Hindi niya inaasahan ganoon ang pagtanggap nito sa kanyang kamatayan. And knowing that she caused him all those pain, lalong dumuble ang sakit na nararamdaman niya. Hindi rin niya maiwasang mamuhi sa sarili. Mahal na mahal niya ito ngunit wala siyang magawa upang pawiin ang sakit na nararamdaman nito.

“Sa kabila ng tagumpay na natatamasa ni Lucian sa kanyang buhay,” basag ni Aiden sa katahimikan. “Hindi niya magawang ngumiti at maging masaya. Araw-araw niyang pinagluluksa ang kamatayan mo, Erin.”

“At simula nang namatay ka,” sabad ni Amber. “Parang namatay na rin si Lucian.”

“Ha? Pero…” Muli niyang sinulyapan ang binata. Nakayukyok na ito sa bar counter habang patuloy sa pag-iyak. Kung pakatitignan itong mabuti, kung makaiyak ito parang kamamatay palang niya. “Lucian…” bulong niya rito. Gusto sana niya itong yakapin ngunit pinigilan niya ang sarili. Alam niyang hindi iyon puwede.

“May ipinangako siya sa ‘yo noong burol mo. Naalaala mo pa ba iyon Erin?” malumanay na tanong ni Amber.

Iiling sana siya ngunit may bigla siyang naalaala. Ikaw lang ang tanging taong minahal at mamahalin ko hangga’t nabubuhay pa ako. Pangako, ikaw at ikaw lang. Nanglalaki ang mga matang sinulyapan niya si Amber.

Ngumiti ito. “Mabuti naman at naalaala mo pa iyon.”

“Sa kagustuhan niyang matupad ang pangako niya sa ‘yo, isinirado niya ang kanyang puso at walang sino man ang hinayaan niyang magbukas niyon. Siguro naman ngayon alam mo na ang naging kasalaanan mo, Erin.”

Angel of Love {Erin's Light Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon