“LUCIAN she finally opened her eyes!”
Kumunot agad ang noo ni Lucian nang marinig ang excitement sa boses ng ina. Maghahating gabi na sa Amerika–kung nasaan ngayon ang kanyang ina–ngunit kataka-takang hyper na hyper pa ito. “Who?” he lamely asked. Kahit naman hindi siya interesado sa mga kinukuwento ng ina, wala siyang choice kundi pakinggan ito. Malapit siya rito kaya sanay na siyang maging takbuhan, sumbunga at labasan ng sama ng loob ng ina. Ito kasi ang klase ng taong kailangan may makakausap sa tuwing excited o may problema o bumagabag sa isip nito kaya hangga’t maaari pinapakinggan niya ito.
Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng kakapasa lang na mga building designs ng kanyang mga Architects.
“Iyong kinakapatid mo nagising na!”
“Sino?”
“Si Delaney. Nagising na si Delaney kanina. Tinawagan ako n’on isa sa masugid niyang manliligaw at ibinalita nga sa akin na nagising na siya. This is a very good news Lucian! After two and half years nagising na rin siya sa wakas!”
“Okay…” wala sa sariling sagot niya.
“Lucian!”
Napakislot ang binata sa biglaang paninigaw ng ina. “Po?”
“Kabilinbilinan ko sa 'yo bago ako umalis ng bansa na bantayan mo siya! Pero ano ‘tong nabalitaan kong mag-isa lang si Delaney sa ICU nang magising siya.”
“Mommy dinadalaw ko naman siya-”
“Oo nga’t dinadalaw mo si Delaney pero hindi ka naman nagtatagal para bantayan siya. Ang sabi ng mga nakausap kong staff five minutes lang ang pinakamatagal mong pananatili sa loob ng ICU tapos nagmamadali kang umalis. Aba Lucian! Ang bilin ko sa 'yo bantayan mo ang kinakapatid mo hindi dalaw-dalawin lang!”
Ibinaba niya ang hawak na blueprint at sumandal sa swivel chair. “Mommy alam mo naman hindi ako komportable sa loob ng ICU 'di ba?”
“Yeah dahil kay Erin,” wala sa sariling saad nito.
No need for you to mention it, you know. He sighed. Simula nang mamatay si Erin hindi na siya naging komportableng pumasok sa mga ospital. Ipinaalalala kasi nito sa isang iglap lang nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Holding Erin’s pale and lifeless body lying on her hospital bed and caressing her bruise cheek while confessing everything to her was the most depressing–
“Lucian?” bulabog ng kanyang ina.
“Y-yes?”
“Nakikinig ka ba sa akin?”
“Yeah…” he lamely answered.

BINABASA MO ANG
Angel of Love {Erin's Light Book 2}
ChickLitWould you die for the one you love? For Erin she will but her only problem was; she was already dead and if going back to the world of living was her only way to save her Lucian from misery, gagawin niya, even if it cost her heart broken.