NANGLALAKI ang mga mata at nakaawang ang bibig ni Erin habang palipat-lipat ang tingin sa mag-inang Lucinda at Lucian. Magiliw siyang nginitian ng una habang ang huli naman ay matamang nakatitig sa kanya at halatang nagpipigil lamang na magtanong sa kanya.
Pasimpleng sinulyapan niya ang batang sundo. Ano ba ito Amber, she silently asked the little girl hoping for her to explain to her everything. But to her dismay, Amber just shrug and giggle. Pilyang bata, aniya sa sobrang asar dito. Binelatan lang siya nito saka tumawa nang wagas.Pinanliitan niya ito ng mata ngunit hindi pa rin ito tumigil sa nakakalokong tawa nito. Talagang enjoy na enjoy ito sa kanyang situwasyon.
“Delaney?”
Bigla siyang natigilan nang maalaala ang sinabi nito patungkol sa plano ni Aiden. Amber! Matinding pagpipigil ang ginawa ni Erin upang hindi iyon isigaw sa bubuwit. Ito na ba ang sinababi mong plano ni Aiden para mapalapit ako kay Lucian? Ito ba’ng inaabangan mo? Ngunit sa asar niya ngumisi lang sa kanya ang bata.
“Delaney?”
Amber naman! She sighed. Mukhang hindi niya ito mapipilit.
“Delaney!”
“Butiking kalbo!” natataranta niyang wika na ikinatawa na naman ni Amber. Pasimpleng inirapan niya ito at binalingan ang mag-ina. Ang nag-aalalang mukha ng ginang at nagtatakang mukha ng binata ang agad niyang nakita.
“Oh I’m sorry hija. I didn’t mean to scare you,” saad ng Ninang Lucinda niya. “It just that you’re spacing out and–”
“Your glaring at the door as if someone is standing there,” pagtatapos ni Lucian. Sinulyapan muna nito ang pinto bago siya nito sinulyapan. Salubong ang mga kilay nito at mataman siyang tinitigan. “Tell me, may nakikita ka bang taong nakatayo roon? Siguro isang taong kinaiinisan or kinaiiritahan mo kasi if not, you won’t glare and roll your eyes like that.”
“Lucian…”
Kagat-labing nagbaba siya ng tingin. Naman! Ganoon na ba ako ka halata?
“Oo,” natatawang saad ng isang matinis na tinig.
Amber! Kasalanan mo 'to eh.
“You know what, your acting weird. And it’s creepy.”
“Lucian!” saway ng ginang.
“What? Eh sa weird naman talaga ang mga kinikilos niya.” Ninang Lucy shook her head as if silently asking her son to stop talking. Ngunit hindi ito pinansin ng binata. “Ayon sa articles na nabasa ko tungkol sa amnesia, matinding head trauma ang naranasan ng mga biktima causing them to lose their memories. Kakagaling lang ni Delaney sa isang matinding aksidente at malaki ang posibilidad na nabagok ang kanyang ulo kaya nawala ang kanyang memorya.”
Kunot-noong nagtaas siya ng ulo. Ano ba’ng pinagsasabi nito? Tinaasan niya ito ng isang kilay nang binalingan siya nito ng tingin.
“My point is, baka nang dahil sa matinding head trauma kaya niya nakikita ang mga bagay o taong hindi nakikita ng normal na mga taong–”
“Lucian–”
“What!” Is he implying she was crazy? “Sinasabi mo bang maluwag ang mga turnilyo ko sa utak kaya ako umaakto nang ganoon?” she asked trying to calm herself. Ikokompirma muna niya ang hinala. Baka na-misinterpret lamang niya ang ibig nitong sabihin. Sayang ang kanyang lakas kung basta lang niya itong sugurin sa isa lamang maling akala. Baka totoong concern ito sa kinakapatid nito.
BINABASA MO ANG
Angel of Love {Erin's Light Book 2}
ChickLitWould you die for the one you love? For Erin she will but her only problem was; she was already dead and if going back to the world of living was her only way to save her Lucian from misery, gagawin niya, even if it cost her heart broken.