Prologue

589 17 4
                                    

“KAYA naman Erin Andrea Lagdameo signing off, forever.” Natatawang napailing si Erin nang sabay-sabay na humagulgol ang mga kaklase, may iba pa ngang nagwalk out at nagwala sa labas ng kanyang burol. “Ang titigas talaga ng ulo ng mga ito. Sabi ko walang iiyak pero ayan at humagulgol pa rin. At talagang sa harapan ko pa!” muli siyang napailing. “Mumultuhin ko talaga kayo mamaya. Ang papangit n’yo! Kung may kamera lang sana akong dala-” She worriedly looked at her back. May tumatawag na naman sa kanyang pangalan. Gaya noong nasa hospital siya, sa bahay ni Lucian at sa hotel suite ng kanyang Daddy. Maliit at matulis ang tinig nito na tila ba bata ang nagmamay-ari niyon. Palapit na nang palapit ang boses kaya naman napagdesisyunan niyang umalis nalang doon. Ewan niya kung bakit pero natatakot siyang makita ang may-ari ng boses na iyon.

                Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid. “Pasensiya na kayo,” aniya sa mga kaklase at magulang. “Alam kong nasasaktan kayo pero please bear with it. Ngayon lang masakit ‘to but as time goes by masasanay na rin kayo hanggang sa wala na kayong mararamdamang sakit. Tiisin n’yo na muna-”

 Parang may kamay na humaplos sa kanyang puso nang makitang ang mukha ng tanging lalaking minahal niya. Bakas sa guwapong mukha nito ang matinding pagsisisi. Nag-uunahan na rin sa pagpatak ang luha nito ngunit tila wala itong pakialam. Patuloy lang nitong tinitigan ang videocam habang hinimas-himas ang screen.

“I’m sorry Lucian. I’m so sorry for hurting you.”

Naudlot ang kanya sanang pag-iyak nang may naramdamang nakatitig sa kanyang direksyon.  She looked up and to her surprise she saw one of her best friend staring dumbfoundedly at her. Matamis niya itong nginitian habang kinakawayan. “Zoey!”  magiliw niyang tawag sa kaibigan. “Hinding-hindi ko na pagdududahan ang kakayahan mo. Naniniwala na akong nakakakita ka nga talaga ng mga ispiritong kagaya ko.” Humagikgik siya. Kailangan ipakita niya sa kaibigan na okay lang siya, na hindi siya nasasaktan sa nangyaring pagkamatay niya para bigyan ito ng assurance at para rin hindi ito mahirapang tanggapin ang kanyang pagkamatay.  “Zoe, I’m happy na. So please be happy for me. There’s no reason for you to be sad. Cheer up, masaya ako ngayon.”

Napansin niyang nagha-hyperventilate na ang katabi nito sa kakaiyak. “Zoe, please tell Kirimi I love her so much.” Pasimpleng kinurap-kurap niya ang mga mata upang pigilan ang pumatak ang kanyang luha. “Of course ikaw rin Zoe. Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat. Paalam sa’yo Zoey.”

Nagmamadaling nagkumbli siya sa pader at doon hinayaang ang sarili na umiyak. Masakit iwanan ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. Marami siyang gustong gawin na kasama ang mga ito. Gusto niyang makatungtong ng kolehiyo at maranasan ang buhay kolehiyala. Gusto niyang magmartsa sa intablado para abutin ang kanyang diploma. Gusto niyang maranasan ang maging career woman, ang tumira sa isang bahay na kasama niya araw-araw ang kanyang mga magulang, ang alagaan ang mga ito, ang maranasang maging kasintahan si Lucian at higit sa lahat gusto niyang makasamang tumanda ang mga ito. She wanted to experience all that and more pero patay na siya at wala na siyang magagawa kung ‘di ang pagmasdan sa malayo at gabayan ang mga taong mahala niya. Kahit ano man ang gawin niya hindi na siya magiging parte ng buhay ng mga ito.

Muli niyang sinilip ang mga kaibigan. Nag-iiyakan pa rin ang mga ito habang pinapatahan ang isa’t-isa. “Para kayong mga sira!” natatawang wika niya. Pinunasan niya ang mga luha. Nakita niyang tumayo si Lucian at naglakad palapit sa kanyang kabaong. Kunot-noong sinundan niya ang binata.

Seryoso itong tinitigan ang patay niyang katawan. Bakas pa rin sa mukha nito ang mga luha. She reached up to wipe his tear but she changed her mind. Baka tumagos lang ang kamay niya kapag ginawa niya iyon. “I love you, Lucian,” madamdamin niyang sabi rito. She was about to leave pero bigla itong nagsalita.

“I love you too.”

Nanglalaki ang mga matang hinarap niya ito. Possible kayang narinig siya nito?

“You heard me? Your Light loves you too.” Frustrated na inihilamos nito ang kamay sa mukha.

Muli may kamay na namang humaplos sa kanyang puso. “Tama na Lucian,” pabulong niyang wika rito.

“I’m-”

Buong puso niya itong niyakap. “Tama na. Huwag ka nang umiyak-”

“Erin’s Light.”

Tuluyan nang napahagulgol si Erin sa huling sinabi nito.

Angel of Love {Erin's Light Book 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon