MGG 3

4.7K 89 7
                                    

“Haaaaaaaaaaaaaaa!!” hikab ni Vance

Papunta na siya ng school niya, naglakad na lamang siya dahil malapit nalang man din at exercise nalang niya.

“Haaaaaaaaaaaaa!!” hikab ulit ni Vance

“Naman! Ba’t ngayon pa!!?” sabi niya sa sarili niya

Humikab na naman ulit si Vance, hindi gaano siyang nakatulog simula ng makita niya ulit yung babaeng nagngangalang DEMI!

Napabuntong-hininga na lamang si Vance >________<

“Naku bilis!! Dapat makita natin siya!!” sigaw nung isang babae kapapasok lamang ng campus kasabay ang dalawang babae pa

“Hmmm?” napataas ng kilay si Vance sa nakita niya pagpasok ng campus

“Ang ganda niya!!” G1

“OO NGA KYAAAAAAAAAAHH!!” sigaw ng mga babae

Isang nagkukumpulan ang nakita ni Vance sa may audience hall ng kanilang campus. Mga babae at mga lalaki, dahil sa antok na antok pa si Vance ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungong classroom niya.

“Good morning Vance!” bati ni G1

“Vance, good morning!” kasama si G2

“Good….morning…la-ladies!” matamlay na bati ni Vance habang nagdiret-diretso lang sa paglalakad

“?_________?” ganyan naman ang mga reaksyon ng mga babae

Hanggang sa nakarating si Vance sa kanilang classroom, upo agad siya at binaon ang mukha sa arm chair para kahit konti man lang ang makatulog siya. Simula nung nagkita na naman sila ni DEMI ay lagi na niya itong naiisip kaya hindi siya nakatulog kagabi.

“Good morning dre!!” masiglang bati sa kanya ni Seth na kaklase niya ngayon

Sina Kat, JC at Lester ay nasa second section kaya magkahiwalay silang lima, habang magkasama naman sila ni Seth sa iisang klase.

“Hmmm?” sabi ni Vance kahit na nakabaon ang mukha sa may arm-chair

“Oh inaantok ka pa!?” tanong ni Seth ng makaayos na ng gamit sa kanyang upuan

Magkatabi din sila ng upuan, ayaw mawalay sa isa’t isa dahil sa sobrang mahal nila ang isa’t isa XDD

“Mmmm!” sagot lamang ni Vance

“Naku pare, na naman!! Sino ba yang iniisip mo?” tanong ni Seth dahil alam na niya kung ba’t antok pa si Vance kasi kapag ganito ay may tao siyang iniisip

Tulad dati

“Wala” sagot ni Vance

“Sus, denial ka pa!! May bago ka na naman ba!!?” sabay akbay ni Seth sa kanya kaya napabangon siya

“Alam mo…ang kulit mo dre!!” inaantok na sabi ni Vance

“Sus, ako pa sinisi mo! May chix ka na naman ba!!?” naeexcite na tanong ni Seth

“Dre ibahin mo ako!” sabi ni Vance sabay umub-ob na naman sa kanyang arm chair

“Good morning Seth, good morning Vance?” bati ni Vera ng makapasok sa classroom nila

Magkaklase nga pala si Vera at Vance pati na rin si Seth

“Good morning Vera! Ewan ko kay Vance, inaantok pa kakaisip kagabi!!” sabi ni Seth

My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon