Minasdan ni Vance ang buong paligid ng itim na silid ni Demi
‘Kwarto niya ba ‘to!?’ tanong ni Vance sa sarili
Puno nga ng mga computers ang silid at kunektado ang lahat ng mga computers. Hindi naman ito monitor para sa hidden camera kasi dapat makikita niya ang sarili sa mga computer pero naka-ON lang ito at hindi pa ata ginagamit.
‘Hindi naman ata niya kwarto ‘to kasi wala namang closet o kama man lang!’ sabi ulit ni Vance sa sarili
Nawala na sa isip ni Vance na basang-basa pa siya dahil sa mga nakikita niya dito.
May isang dingding na punung-puno ng mga larawan ng mga business men na may malaking ex sa mga mukha nito.
‘Di kaya’y ito ang pinagkakaabalahan ni Demi!?’ sabi ulit ni Vance sa isip
Wait!!
‘MEANS PUMAPATAY SIYA!!!?’ sigaw ni Vance sa isio
Hanggang sa may nakakuha ng atensyon ni Vance, isang larawan ng pamilyar na tao, mukhang bata pa ang nasa larawan pero mejo mahahalata na ang pagiging may edad nito. Nilapit pa ni Vance sa mukha sa larawan dahil PAMILYAR talaga ito
Saan nga ba niya nakita?
Baka sa TV dahil mukhang business man ito na sikat at napapanuod niya sa mga news sa TV o nababasa radio
Malapit ng mahulaan ni Vance kung sino ang taong nasa larawan ng
“Anong ginagawa mo dito!?” nanigas siya sa narinig na boses mula sa likod
Malamig na boses na mukhang sa isang kilos niya lang ay papatayin siya nito
“Ahh naligaw kasi ako!” pero nagawang maka-recover ni Vance sa kaba sabay harap kay Demi
Oo di DEMI iyon!
“Anong nakita mo!?” malamig na tanong ni Demi
“Uhh sorry, sorry Demi hindi ko sinasadya!!” natatarantang sabi ni vance sabay yuko-yuko
“Okay lang, halika na!” sabi ni Demi
Hanggang sa lumabas na sila ng kwarto pero humabol pa si Vance ng isang tingin sa larawan na pamilyar sa kanya. Sinamahan na siya ni Demi sa tamang kwarto para saan magbihis.
At ng makababa na sila ay dumiretso sila sa kusina, nagluto daw si Demi ng dinner nila. Gabi na pala, I mean gabi na talaga!
Napanganga si Vance sa dami ng pagkain sa mesa, halos mapuno ang mesa ng mga iba’t ibang ulam na sa isang oras ay nagawa agad ni Demi
“Ikaw ang nagluto lahat!?” manghang tanong ni Vance
“Yup, so kain na!?” sabay ngiti ng konti ni Demi
Ayun, napatulala na naman si Vance dahil mukhang makikita na niya ang soft side ni Demi. Isang babaeng mahinhin at dapat ingatan ang isang tulad na Demi na katulad din ng ibang mga babae.
Tough outside but fragile inside
“Kainin mo lahat!” sabi ni Demi na nang-uutos
“Pero Demi, baka hindi ko kayanin!” angal ni Vance pero binigyan lamang siya ng death glare ni Demi
“Okay, okay uubusin ko pero hindi lahat ha!? Hindi naman kasi ako kumakain ng madami!” sabi ni Vance sabay kuha ng kanin at ulam
“Kaya pala payatot ka!?” sabay taas kilay ni Demi at tumingin sa kanya ng seryoso!
“HINDI KAYA!!!” napasigaw si Vance sa hiya
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]
Hayran Kurgu[COMPLETED. NO SOFT COPIES] BOOK 1 Vance was known as the MR. NICE GUY but his life would change when he met this mysterious girl slash gangster. My Girlfriend is a Gangster! Please bear with grammar errors :) Thanks! For the book cover, credits to...