MGG 9

3.8K 67 8
                                    

“Hays, busog talaga ako!!” nakangiting sabi ni Vance

“Ako rin” sabi ni Demi

“Grabe ha, pagkatapos sa MCDO. Kumain ka pa talaga sa food court!” sabi ni Vance

“Gutom eh” tanging sagot ni Demi

Pauwi na sila at gabi na, kaya naisipan nilang maglakad-lakad muna kasi busog pa sila. Mula sa MCDO ay naisipan pa ni Demi na kumain kaya sa food court sila kumain, pati na rin si Vance nahawa sa pagkain ni Demi kaya ngayon, gabi na sila nakauwi

Mejo konti nalang ang tao sa daan dahil mukhang uulan pa ata.

Hanggang sa napahinto si Demi sa paglalakad ng may naramdaman siya sumusunod sa kanila. Medyo malayo na din sila sa mall at kaunti lang ang mga bahay na kanilang dinaanan.

“Oh Demi, bakit?” pagtataka ni Vance sa paghinto ni Demi

“Wala” sabi ni Demi pero napahawak siya kay Vance

“Don’t worry hindi ako tatakbo!” nakangiting sabi ni Vance

“Kumapit ka” seryosong sabi ni Demi sabay tingin kay Vance

“Ha? Ba’t naman?” pagtataka naman ni Vance ng naging seryoso si Demi

“Tumakbo tayo” sabi ni Demi

‘Don’t tell me? May mga aatake sa kanya? Samin?’ sabi ni Vance sa isip ng makuha ang ibig-sabihin ni Demi

‘Yun na ba ang kausap niya sa phone kanina? Pero ba’t tatawag pa sa kanya ang kalaban?’ sabi ulit sa isip ni Vance

“Takbo!” sigaw ni Demi sabay hila kay Vance

“Teka..Demi..hindi ko maintindihan!!” sabi ni Vance ng tumatakbo na sila

“Kalaban” tanging sabi ni Demi

“Wala naman  uhh!!” sabi ni Vance sabay lingon sa likod nila

Pero walang humahabol

“Nanjan lang sila!” sabi naman ni Demi

“Sumakay nalang…kaya tayo!” sabi naman ni Vance

“Di pwede”

“Bakit?”

“Mapapahamak mga tao”

My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon