CHRONOS HEADQUATERS
“TALAGA!?” napasigaw silang lahat sa sinabi ni Demi.
“Yah I saw her.”
“Paano mo nalamang siya yun?” tanong ni Star sa kanya.
“Nakuha na natin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at wala kaming nakuhang nagsasabing may palatandaan ang pagiging Violet niya!” dagdag ni Clone.
“I met her once and I even saw her tattoo kaya alam kong siya yun.” seryosong sabi ni Demi
“Nakita mo ba ang mukha niya?” Rose.
“She’s wearing that stupid mouth mask!” naiinis na sabi ni Demi.
Pinakalma naman nila ang naiinis na si Demi. Nagpunta agad si Demi sa C.H para sabihin sa iba ang nakita niya, na nakita niya si Violet!
Ito lang ang kailangan niyang sabihin sa iba. Hindi na ang iba pang impormasyon…
“Ibig-sabihin ay malapit lang siya satin!” napalingon silang lahat sa nagsalita.
“Master!” sabi nilang lahat maliban kay Demi sabay nag-bow. Si Tito Romi niya ang pumasok kasama ang right hand nito.
“Ayon sa nakuha namin mula sa sinabi ni Demi, malapit lang siya satin. Sa konklusyon namin, nagtatago siya sa anyo ng isang simple tao at sa isang kilala at mayamang pamilya dito sa Manila!” sabi ng right hand ng Master nila.
“Is there a possibility na magtatago siya sa isang tao na may koneksyon sa underworld?” tanong ni Clone.
“That’s possible! Kung gusto niyang makuha ang underworld gang ng Pilipinas ay dapat may koneksyon ang pagtataguan niya!” sabi naman ni Flexi
“Means nagtatrabaho siya o nagtatago sa isang tao na nasa underworld din. Tapos gagamitin niya ito para makuha ang mundo ng gang ng Pilipinas. Eh sino naman kaya ang taong iyon?” Star
Kaya naman napaisip ang lahat habang si Demi naman ay ganun din. Nakaupo siya sa swivel chair habang nakaharap sa mesa niya.
Napatingin siya sa folder ni Rogue Clemente, may larawan ito sa labas. Whole face picture kaya napatitig siya doon habang napapaisip ng malalim. Habang yung iba naman ay sinasabi kung sino ang maiisip nilang tao na nasa underworld business. Dahil sa madami ding negosyate ang nasa underworld ay mahihirapan sila.
Hanggang sa….
Napatigil ang lahat ng biglang tumayo si Demi.
“Why Dems?” tanong ni Star habang nakikita nilang nakahawak si Demi sa folder ni Rogue.
“Be ready!” yun lang ang sinabi niya at agad na lumabas ng office nila.
Nagtaka naman ang lahat at napatingin sa Master nila.
Tumakbo ng mabilis si Demi palabas ng C.H habang dala-dala ang folder ni Rogue. Agad siyang nagmaneho ng mabilis gamit ang big bike niya.
‘I knew it!’ sa isip ni Demi.
Agad niyang tinawagan si Vance. Ilang sandali pa ay sinagot nito ang tawag niya.
“Hello Demi?”
“Where are you!?”
“Why?”
“Just tell me where you are!?”
“I…I’m at school, why?” halatang natakot ito sa pagsigaw niya.
“Sorry for shouting but promise me just stay there okay?”
“Y-yes, dito lang ako.”
“Nasaan sina Lizzie at Ate Eliza?”
“Lizzie is in school habang si ate naman nasa bahay pa ata with her husband”
“Okay, thanks! Bye!” at agad niyang binaba ang tawag.
At tinawagan naman si Eliza.
Binilisan niya ang pagmaneho, kung nasaan si Vance means nandun ang target niya. Kailangan niyang mailigtas si Vance!
Ng makarating sa school ay pinark niya sa malayo ang big bike niya. Agad na umakyat sa mataas na bagay para makita ang target niya. Nasa isang puno siya ngayon na natatanaw ang bawat sulok ng paaralan kung saan ay nagkalat ang bodyguards ni Vance.
Break time na ng paaralan dahil sa dami na ng mga istudyanteng lumalabas mula sa mga classroom nila. Kitang-kita din ni Demi ang classroom nina Vance. Papalabas na ang mga kaklase niya at nakita na niya si Vance. Gamit ang newly made telescope ng Chronos just for them ay mas nakikita ng malinaw ni Demi ang lahat.
Lumabas si Vance kasama ang personal bodyguard nito na si Rogue. Magkasama ang dalawa papuntang canteen ng school. Nakita niyang napahinto si Vance at kinuha ang phone nito sa bulsa. Napangiti siya dahil alam niya kung sino tumawag kay Vance.
Si Ate Eliza nito, ito ang tinawagan niya pagkatapos makausap si Vance. Sinabihan niyang tawagan si Vance at magdahilan para makuha ni Demi ang gusto niya. Hindi naman nagtanong si Eliza at agad na sinunod siya. Kaya napahinto sina Vance at Rogue na kung saan ay kitang-kita ni Demi.
‘That’s her.’ nasabi ni Demi sa isip ng makita ang hinahanap niya.
Pagkatapos ay bumalik siya ng Chronos Headquarters.
**********************************************************************************************************
Author’s Note:
Papalituhin ko muna kayo XD
~Thanks for reading!
~Thanks for the votes!
~Thanks for the comments!
~Thanks for adding to your library!
~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!
I LOVE YOU ALL ^_________^
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]
Fanfiction[COMPLETED. NO SOFT COPIES] BOOK 1 Vance was known as the MR. NICE GUY but his life would change when he met this mysterious girl slash gangster. My Girlfriend is a Gangster! Please bear with grammar errors :) Thanks! For the book cover, credits to...