MGG 14

3.4K 52 11
                                    

Dahil narin sa sinabi ng kanyang Tito Romi ay naisipan ni Demi na umiba ng direksyon. Hindi muna siya uuwi ng kanilang bahay at BADTRIP siya!

Naglakad-lakad na lamang siya papunta sa isang mini-park na malapit sa kanialng subdivision.

Lakad

Lakad

Lakad

La—

“Babe naman eh!” sabi ni GF kay BF

“Babe wag ng pakipot!” sabi ni BF kay GF

Napatigil naman si Demi sa kanyang narinig mula sa dalawang tao na nakaupo sa isang bench. Magkasintahan pala! At nakikipakulitan sa isa’t isa, habang minamasahe nung BF ang paa ni GF kaya nakikiliti ito.

“Psh!” bulalas ni Demi

Pero napaisip siya, BABE? Yun ang tawag nila sa isa’t isa. Kailangan ba yun sa isang relasyon? Mukhang hindi naman, ata? Naalala niya si Vance, boyfriend na nga pala niya ito.

Kaya naglakad ulit si Demi, hindi naman mainit kaya okay lang ang maglakad-lakad sa daan at marami din naming mga puno sa gilid kaya nakakadagdag ng kapreskuhan.

“Sweetie, nauuhaw ako!!” sabi ni GF kay BF na pawisan na

“Sweetie naman, malapit ng matapos yung halo-halo na inorder natin!” sabi ni BF na nakatayo

Nasa isang Halo-Halo-han ang dalawa habang naghihintay nga ng orders nila. Mukhang araw ng puso ngayon kahit hindi naman, nagkalat kasi ang mga MAGKASINTAHAN!

“Love, you’re funny!!” BF kay GF

“Love naman, don’t make tawa-tawa in my story!!” sabay pout ni GF kaya kinurot siya ni BF

Napa-tsk naman si Demi sa mga nakikita at naririnig. Babe, Sweetie, Love, Honey, Mommy at Daddy? Mga tawagan ng mga mag bf at gf sa isa’t isa. Kaya para hindi maranig ay sinaksak ni Demi ang earphone sa tenga niya at full volume ang music niya.

Nahihiya man siyang aminin pero NAIINGIT siya sa mga sweet couples around. DEDMA nalang! DEDMA nalang talaga!!

‘Pet name, tawagan? Maganda kaya yun?’ tanong ni Demi sa isip

“WAAAAAAAAAAAAAAAAHH NEKOOOOOOOOOOO!!!”

Napatigil si Demi sa paglalakad, again -___-. Dahil saktong pag-stop ng music niya ay narinig niya ang isang iyak na sigaw. Hindi gaanong malayo sa kanya ang sigaw.

“NEKOOOOOOO please come down!!” iyak ng isang bata kaya lumapit si Demi sa likod ng puno

“Neko please come down!!” sabi nung bata na alam niya kung sino ito

Nakatingin ang batang babae sa taas kaya napatingala si Demi, isang white cat ang nasa taas at sa batang babae iyon.

*sigh*

Kahit ayaw niya man dahil…wala naman siyang magawa. Bata iyon at mukhang nauubos na ang luha sa kakaiyak. Lumapit si Demi kaya napatingala sa kanya ang bata na nagpupunas ng luha.

*O*

Naging ganyan naman agad ang reaksyon nung bata ng makita siya. Alam na niya agad kung ano ang ibig-sabihin nun, ang pagpapakuha ng pusa sa kanya. Kaya tumingala ulit si Demi sa puno, hindi naman gaanong mataas pero para sa batang ito, mataas na iyon!

Bumwelo si Demi at agad naman tumalon para kunin ang pusa. Nakatingin lang yung bata sa kanya, manghang-mangha naman yung bata at nakanganga pa habang nanunuod sa kanya. Ng makuha na ni Demi ang pusa ay agad niyang binigay sa bata na nakanganga pa.

My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon