MGG 16

3.1K 63 12
                                    

*BOGSH*

Isang malakas na pagsabog ang nagmula sa labas ng function hall at dahil sa lakas ng impact ay nabasag ang mga glass windows ng hall. Lahat ay nagpanic, kanya-kanyang hiyawan at takbuhan.

“What’s happening!!?” sigaw na tanong ni Vance

Hindi siya sinagot ni Demi, hinila na lamang siya nito at tumakbo sila papuntang Kate at Kris na may kasamang mga Chronos.

“Chronos?” mabulong na tanong ni Vance ng makilala ang mga ito

“Here!” sabi ni Star ng bigyan niya ng mask sina Demi at Vance

Sinuot naman agad iyon ni Demi habang si Vance ay sinuot ng may pagtataka. Nakasuot nadin ang mga Chronos kasama sina Kate at Kris ng mask. Maya-maya ay may biglang umusok, lahat ng bahagi ng hall. Isa iyong sleeping gas na ang may gawa ay ang mga Chronos.

Sa isang singhap mo lang ay mahihilo ka at makakatulog. Kaya naman agad na natumba isa-isa ang mga istudyante. Wala ng salita ay hinila palayo ng ibang Chronos si Kate at Kris para sa isang safe na lugar.

Nagsidatingan naman ang mga taong balot na balot ng itim. May nakasulat sa likod nila na T.U means they are from Trono Uno. Na handa na sa pakikipag-away, nilusob nila ang mga Chronos kaya hinila paalis ni Demi si Vance. Hinding hindi niya magagawang patayin si Vance, nakapagdesisyon na siyang ililigtas niya si Vance.

Wala siyang kasalanan dito, it’s his father ang may kasalanan pero si Vance ang magiging kabayaran ng lahat. Takbo sila ng takbo, umiiwas sa mga T.U at Chronos na nakikipaglaban sa isa’t isa. Pero mukhang pinaghandaan talaga ito ni Uno o ni Troy. Padami ng padami ang mga T.U at nahihirapan ang mga Chronos.

Hangggang sa napatigil sina Demi ng may humarang na mga T.U sa kanila. Madami at mukhang matatagalan dito si Demi.

“Stay at may back!” sabi ni kay Vance

“Pe-pero, paano ka?”

“Just stay and don’t move okay!?”

“O-okay!”

Agad naming pinunit ni Demi ang dulo ng gown niya, naging above the knee ito at may kinuha siyang baril sa binti nito na ikinagulat ni Vance. Nagsimulang sumugod ang mga T.U sa kanya, isa-isa naman niyang naiwasan ang mga atake ng mga ito. Ngunit hindi niya maiaalis na mahihirapan siya sa dami ng kalaban.

Ilang minuto ang nakalipas, madami ng napatumba si Demi pero hindi naman nauubos ang mga T.U. Padami sila ng padami, hindi naman siya makakatawag ng tulong dahil alam niyang ganito din ang sitwasyon ng ibang Chronos. Sinusulyapan niya si Vance kung nakatayo pa ba ito sa pwesto niya, nakatayo parin at hindi ginagalaw ng mga kalaban.

Sa tyancha niya ay siya lang, SIYA lang ang kailangan ng T.U lalong lalo na si Uno. Kakampi nito ang mga Alterro kaya hindi niya inutusang saktan si Vance.

Hindi naman alam ni Vance ang gagawin, nanunuod lamang siyang nakikipaglaban si Demi. Marami na itong naitumba at mukhang naiinis na ang dalaga. Hindi maiwasang matamaan ng mga atake si Demi, may mga galos nadin ito pero WALA SIYANG MAGAWA.

Kung bakit ba ay napakalampa niya at hindi niya magawang tulungan si Demi! Naiinis siya ngayon sa sarili!

Sisigaw na sana siya ng pangalan ni Demi dahil may aatake sa likod nito habang may kalaban pa sa harap ay hindi niya nagawa. May tumakip agad ng bibig niya at may naramdaman siyang matulis na bagay sa may leeg niya. Napatingin siya doon, isang kutsilyo. Natatakot siya kaya hindi siya pumalag, isang galaw niya lang ay matatapos ang buhay niya.

My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon