CHRONOS HEADQUARTERS
“Violet.” pasimula ni Star.
“Ayon sa nakuha naming impormasyon tungkol sa kanya, she’s planning to rule or take over the gang world in Philippines with the help of Leonard Suason also known as Bolt na sa part ng US nagtatago.” sabi ni Clone.
“Pero nasaan ngayon si Violet?” tanong ni Deadly Rose.
“Ayon sa nakuha namin, nagpalit siya ng identity. Mula sa kulay ng buhok niya hanggang sa pananamit niya, hindi na siya makilala bilang Violet.” sagot ni Flexi
“Meaning hindi natin siya makikilala dahil sa pagbabago niya?” Star.
“Ganun na nga, wala ba siyang pinasukan na kahit na ano? Tulad ng company ba or what?” tanong ni Demi.
“Yan ang hindi namin makuha-kuha. Ang buong pagkatao niya sa Pilipinas!” sagot ni Clone.
Nadismaya naman sila sa narinig mula kay Clone. Talaga bang wala? Mahirap nga talaga kalabanin ang isang mapanganib na assassin tulad ni Violet.
Napaupo si Demi, iniisip si Violet, saan siya at sino siya. Mailap ito at talagang nagtatago. Habang ang mga kasama niya naman ay nag-uusap parin tungkol kay Violet. Hanggang sa napaisip si Demi tungkol kay Vance. Ilang araw na din silang hindi nagkikita dahil sa mahigpit ang bantay nina Vance. Lalong lalo na yung Rogue na nalaman niyang personal bodyguard pala ito ni Vance, hindi lang basta-bastang bodyguard dahil magaling ito sa pagbabantay.
Tila matagal na itong nagtatrabaho bilang bodyguard. Paano niya nalaman ang tungkol kay Rogue? Dahil inalam niya kung sino ito. Hindi dahil sa nagseselos siya kundi dahil masama ang kutob niya sa babaeng ito.
“Hey!” tawag ni Star sa kanya.
“Why?” napataas naman ang kilay niya.
“Thinking about Vance, eh?” may nakakatuksong ngiti si Star. Ngunit hindi nalang umimik si Demi dahil alam niyang tutuksuhin na naman siya nito. At ngayon tila nawawala na ang paghihigpit ng kanyang Tito Romi sa kanya. Hinahayaan na siyang pumunta kay Vance.
“If I were you, para hindi ako maparanoid! Pupuntahan ko siya!” proud na sabi ni Star.
“Yah, parang makakalapit naman ako!” sabay simangot ni Demi.
“Hay naku! In love ka nga talaga Dems!”
“Dun ka na nga!” pagpapaalis ni Demi kay Star.
“Che! Sungit!” sabay pout naman ni Sta. Napangiti nalang din siya.
Kung tutuusin ay nakikita naman ni Demi si Vance kaso nga lang ay patago at malayo dahil na nga sa bantay nito. Napabuntung-hininga nalang si Demi!
“How about Violet?” natanong ni Star.
“What about her?”
“You know, yung pinag-usapan niyo nung unang pagkikita niyo. We know what’s the other reason behind this.”
“Just leave it to me!”
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a GANGSTER! [Julniel]
Fanfiction[COMPLETED. NO SOFT COPIES] BOOK 1 Vance was known as the MR. NICE GUY but his life would change when he met this mysterious girl slash gangster. My Girlfriend is a Gangster! Please bear with grammar errors :) Thanks! For the book cover, credits to...