Chapter 01 - First Day High

4 0 0
                                    

Bakit naman ganito? Anong nagawa ko para maranasan ito?

Wala naman akong ginawang masama. Niligtas ko lang naman siya.

*sigh* Sabi ko na nga ba at walang magandang maidudulot sa'kin ang pagpasok dito. Hindi pa nga natatapos ang unang araw ko, nasa harapan na kaagad ako ng principal ng senior high ng kolehiyong ito.

"Gusto mo malaman kung bakit kayo naririto ngayon, Maximo Duo at Rica Montenegro?"

Please, i-expel niyo na ako ngayon din para makaalis na ako dito at makahabol pa sa enrollment ng gusto kong SHS.

...

Isang simpleng lalaki lang naman ako. Mestiso. Hindi katangkaran sa taas na 162 cm. At syempre, hindi rin kagwapuhan. Ang hindi simple ay ang pamumuhay ko. Pero sa ibang usapan na iyon.

Kakatapos ko lang ng high school at ngayon ay tutungtong na sa Senior High. Hindi naman ako naghangad ng magandang eskwelahan at masaya na akong ituloy ito sa isang eskwelahan kung saan karamihan sa mga kaibigan ko naroon.

Masaya kong matatapos ito at masaya rin akong magpupunta sa isang kolehiyong gusto ko.

Masaya. Ganoon sana.

Pero hindi.

"Huy, Max! Anong oras na? Malelate ka na! Hindi ka na nag-aaral sa Amis. Tayo na!" Ang sigaw ng ate ko sa'kin. Ate, ikaw talaga ang may kasalanan nito eh.

"Pwede mo naman akong isabay, 'di ba? Mabilis lang akong maligo at magbihis. At tsaka ang aga pa."

"Hindi pwede. Gusto kong masanay ka kung paano magpunta sa Piel nang mag-isa."

Bwiset ka eh. Wala ka man lang suporta sa nakababata mong kapatid. Paano kung nakidnap ako sa labas?

Well, of course, hindi mangyayari iyon. No one would dare to.

Tumayo ako sa kama kong para bang ayaw pa akong paalisin at naglakad papunta sa unang palapag. Hindi naman ako mahirap gisingin. Sa totoo nga, kanina pa ako gising, pero nasanay lang ako na maglaro muna sa aking handheld bago ayusin ang sarili. Ilang minutong lakaran lang naman ako papunta sa Amis eh.

Kung doon pa rin ako nag-aaral.

Tulad nga ng sinisigaw ng ate ko, sa Piel na ako nag-aaral. At siya ang may kasalanan kung bakit.

Saan ba itong Piel na ito? Malapit ito sa Malina City Hall, na siya namang dalawa o tatlong ng jeep (kapag minalas)/isang sakayan ng bus mula sa lugar namin. Kung mas pipiliin ko namang mag-bus, mapapasakay pa ako ng isang jeep mula naman sa city hall papunta sa Piel o lakarin. Ito dahilan kung bakit ako pinapaalis nang maaga ni Ate.

Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng ceremony ng pagtatapos namin sa high school sa Amis ay tinawagan na ako ni Ate. Hindi man lang nagkaroon ng tsansang makipagsaya sa mga naging kaklase ko.

Sinabihan niya ako na magmadaling umuwi at may pupuntahan kami. Inakala ko namang pupunta kami sa isang resto o sa kung saan man para i-celebrate ang pagtatapos ko. Pero hindi...

Nagpunta kami sa Piel, isang kolehiyo na mayroon ding high school at syempre senior high. Sa kolehiyong ito kilala ang ate ko bilang isang guro sa Math mapaano mang subject nito kahit mag-dadalawang taon pa lang siya, at ginamit niya ito para mairekomenda ako sa mga naroon. Mahirap tumanggi kapag si ate na ang nagpilit sa'kin. Mahirap talaga.

Oo nga. Ang pangalan ng ate ko ay Chrysanthemum Duo, may pitong taong tanda sa'kin. Oo, 'yung bulaklak. Gusto niya ang pangalang ito, pero ayaw niyang nahihirapan ang mga tumatawag sa kanya dahil dito. Kaya nagpapatawag na lang siya ng Chrys sa mga kakilala niya, at Ms. Duo naman kapag pormal. Okay lang din sa kanya kung tatawag siya ng buo, basta hindi sila mapapagod bigkasin.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon