Chapter 02 - Marie Mephisto

2 0 0
                                    

Ako si Marie Mephisto, o Rica Montenegro. Bakit kamo? Pinapalitan ako ng pangalan ng Dad ko para hindi pagkaguluhan ng medya. Dahil ito sa isang insidenteng nangyari sa dati kong eskuwelahan. Hindi ito isang insidenteng gusto kong maalala kaya hindi ko na ito sasabihin pa. Salamat naman kay Dad at naipasok niya ako sa kolehiyo na kung saan principal siya ng senior high nito. Maganda na sana simula ng unang araw ko dito, pero dumating sa puntong ang unang lalaking nakilala ko ang siya pang unang nakakita ng ganitong ugali ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari matapos akong lumabas sa opisina ng tatay ko, at hindi ko rin alam kung kayang itago ng lalaki, si Maximo Duo, ang pinakita kong ugali sa kanya. Para masigurado ay ako na mismo nagbigay ng babala sa kanya.

Hindi pa natapos ang kamalasan ko sa puntong iyon. Pinili ko ang Assault class para umiwas sa dati kong class (Sharpshooter, ang tawag nila sa Sniper class) at maiwasan din ang masamang alaala ko dito. Nilagay ako ng aming class adviser, si Ms. Chrysanthemum Duo (oo, ate siya ni Max), sa Sharpshooter nang dahil sa ipinakita kong galing sa pagbabaril. Binalak ko nang ipaglaban ang pinili kong class, pero hindi ako pinayagan ni Ms. Duo.

Kaya ito ako ngayon, kasama ang Scouts at mga kasama ko sa Sharpshooters, para sa aming huling assessment.

"Bakit ka naman kaya nalipat sa Sharpshooter, Rica?"

"Oo nga. Sayang naman ang ginawa mo kanina. No, actually, mas babagay ka nga sa Sharpshooter talaga. Galing mo kayang bumaril!"

"Hehe. You think so?" Sayang talaga. Nakita ko ginawa niyong mga Sharpshooter sa assessment ninyo. Hindi kinailangan sa inyo ang oras. Pinagbigyan pa kayong ng Aiming time sa huling parte. Samantalang kami ay kinailangang bumaril kaagad pagkatapos namin sa obstacle course.

Sinayang ko pa pagod kong iyon, hindi rin naman pala ako natanggap.

Ang isa sa dalawang babaeng ito ay katabi ko sa klase, at ang isa naman ay ang kanyang kapatid. Ang dalawang ito ay sina Cosette at Andrea. Magkaklase ang dalawang ito kahit na mas matanda si Cosette ng isang taon. Siguro dahil nagpaiwan ng isang taon itong si Cosette, o pinagsabay na lang silang pag-aralin.

"Ano kayang gagawin natin ngayon? May ideya ka ba, Rica?"

Hindi ko rin alam, pero may wild guess ako tungkol sa posibleng gawin namin. Kung katulad dito sa Piel ang ginagawa namin sa Monsa, posibleng i-assess kami sa kakayahan naming mag-stealth.

Sabi ni Ms. Duo na magkaparehas lang halos ang Scout at Sharpshooter, kaya posibleng iyon nga ang gagawin ng dalawang class ngayon.

Kalahating oras pa lang ay nagpunta na kaming tatlo sa gubat na tinutukoy ni Ms. Duo. Bago iyon ay sinabihan niya kaming isuot ang unipormeng naroon. Iyon daw ang gagamitin naming combat uniform sa buong itatagal namin sa SH. Pero, ang combat boots naman ay may magpoprovide dahil sigurado namang walang magdadala ng combat boots sa unang araw ng pasukan. Kailangan nga lang naming magdala ng sarili sa susunod.

Lima pa lang kaming nandito ngayon sa isang open area sa harap ng gubat. Ang hirap paniwalaan na mayroong gubat dito, lalo na't nasa isang urban area kami.

Maliligaw ka talaga sa halos kalahating kilometrong parisukat na lawak nito. Maaari mo nga ring sabihin na parang isa itong lupain na kinuha mismo mula sa Isla ng Danao, na panay gubat din.

Sinabihan ko ang dalawa pang nandoon na gawin ang inutos ni Ms. Duo, at sabihan din nila ang ibang darating habang nagbibihis pa kami.

Kaming tatlo ay nagtungo sa malapit na changing room para magbihis.

Ang inaasahan ko ay full-military uniform, kasama pati ang ghillie suit na madalas i-provide sa mga Military Snipers para sa ganitong klaseng lokasyon. Hindi pala, isang simpleng Fatigue green na T-shirt na may logo ng Piel at fatigue green na pants na may mas maitim na shade kaysa sa t-shirt, a.k.a Combat Uniform namin.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon