Chapter 04 - Monsa

2 0 0
                                    

"...Iyon po ang binigay sa aming misyon, Mam Principal. Umaasa po kaming mabibigay ninyo ang inyong buong kooperasyon para dito." Bilang tumatayong leader ng 4-man team ay ako ang humarap at kumausap sa Principal ng Monsa.

Ang misyon namin ay magmasid sa eskuwelahan ng mga kahina-hinalang aktibidad, magbigay ng depensa sa sandaling umatake ang terorista, at maghanap ng impormasyon tungkol sa nangyaring aksidente dalawang taon nang nakalipas (isa lang itong personal misyon ko, pero para na rin ito sa ikakaayos ng dalawang babae sa grupo).

Oo nga, ang apat na miyembro ng grupo ito ay, bukod sa'kin, sina: Rica Montenegro (Sharpshooter), Marisa Aristotle (Assault), at Duran Ethy (Assault). Sa totoo nga, dapat isang Support ang sinama ko dito. Kaso, hindi pa lahat ng Support na mayroon kami sa klase ang may kakayahan na. Bukod pa doon ay karamihan sa mga lalaki ay may galit sa'kin, sa isang walang kwentang rason.

Tanong nga ng iilan, kung halos lahat ng estudyante ay natuturuang humawak ng baril, bakit pa naming kailangang bantayan ang mga ito? Simple lang. Kahit saang eskuwelahan pa iyan, ipinagbabawal na magdala doon ng baril, bukod sa mga pistol. Kung magdadala man ay dapat may permiso o hindi kaya ay gagamitin sa isang event. Kung magdadala man sa kadahilanang wala sa nabanggit, kukumpiskahin ito ng eskuwelahan at ibabalik sa estudyante na sa oras na nakadepende sa kumumpis. Sa kaso naman namin sa Piel ay pwede itong sa school na mismo iwan, pero kukuha muna ng pansariling locker para sa mga ito. Since pistols lang naman ako at malapit lang ang tirahan ni Rica, hindi na naman kailangan pa ang mga ito. Just saying.

Dahil sa nabanggit, kahit na tumulong ang mga estudyante, hindi rin ito sapat dahil sa kanilang mga pistol lang. Isa pa, karamihan din sa mga ito ay magpapanic, sigurado 'yan. Isa pa ulit, malaki rin ang posibilidad na high-powered rifles at naka-kevlar armor ang gamit ng kabila kaya hindi talaga sapat ang pistol lang panlaban sa mga ito.

"Maraming salamat, Mr. Duo. Nagbigay na ako ng memo sa mga faculty ukol dito kaya maaari ninyo silang lapitan kung may kailangan kayo."

"Masusunod po. Nakapaloob po dito sa dokumentong ito ang aming impormasyon. Kung kailangan niyo rin po kami ay huwag po kayong magdalawang-isip na kontakin kami."

Matapos naming sumaludo ay lumabas na kami ng opisina.

Nakakuha na kaagad kami ng atensyon sa umpisa pa lang. When I mean kami, I mean 'yung dalawang babae ng grupo.

"Galing mo magpeke ng ugali ah, nag-aartista ka ba?"

"Wala iyon. Kaysa naman maging ahas katulad mo, hindi ba?"

Kahit na matatamis na ngiti ang pinapakita ng dalawang babaeng ito, napupuno naman ng anghang ang kanilang mga salita. Ang mga estudyante ng Monsa ay ganito din ang iniisip.

"*sigh* Sabi ko na nga ba't ganto mangyayare kapag pinagsasama ang dalawang 'to eh."

"Pasensya na Brad at hindi ko alam kung paano kita matutulungan sa problema mong iyan."

Sinabihan ko na si Ate na huwag ituloy, pero tinuloy niyang si Marisa ang kasama.

"It's fine. More importantly, kailangan nating paghiwalayin muna ang dalawang 'to.

Isama mo si Marisa at subukan niyong kumuha ng impormasyon sa mga estudyante kung may kakaibang nangyayari. Sabihin niyo lang na survey ito ng isang teacher o para sa school paper ng Monsa. Galing Monsa 'yang si Marisa kaya hindi kayo maliligaw."

"Sure. Pero, hindi kaya't kayo ang maligaw ni Rica?"

"Ok lang kami. Naaral na namin ang detalye ng Monsa kaya maghahanap lang kami ng magandang vantage point." Si Rica ang may alam ng lugar, hindi ako.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon