Chapter 07 - Finals Battle

1 0 0
                                    

...

"Stick to the plan, Shooters. Hindi natin alam ang kakayahan ng mga ito kaya easy-han lang muna natin.

Hanna, Libera, at Kano. You're up."

"Roger!"

"Sniper team #1. Dito kayo sa building A. Other Snipers ay maghanap ng suitable vantage point para sa inyo. Keep a low profile. Delikado kapag nakita kaagad kayo ng scout o sniper ng kabila."

"Roger."

"Everyone else. Dito tayo sa Point B. 'Pag umabot tayo doon ng walang kalaban, maghihiwalay na tayo. Assault team will continue on this road hanggang sa base nila.

Duran, take point."

"Roger that."

"Let's go."

...

Bago pa man magsimula...

"Nandito na ba lahat?"

"Yes, Platoon Leader."

"Good. Makinig kayo. Ang Match type natin sa laban ngayon ay Escape, at tayo ang unang Escape Team. Naalala niyo pa ba ang plano natin para dito?"

"Sir, yes sir." Wala tayo sa militar guys para sumagot kayo ng ganyan, at tsaka hindi na rin ito masyadong ginagamit pa. Pero masarap din palang masagot ng ganito.

Bago pa man kasi kami makumpleto ay pinatawag ang bawat PL sa Judges' table. Well, technically, kumpleto na ang dalawampu't limang lalaban sa'min, pero ang tinutukoy ko ay ang buong limangpu. Kailangan ko rin masabihan ang mga kasali nito. Though hindi naman kailangang buong limangpu kaming nandito, gusto ko sanang ipakita sa kanila kung ano ang itsura ng labanan para kapag sila na ang kasali ay may ideya na sila.

Doon sa mesa ay binigay sa amin ng judges ang Match type (Escape) namin ngayon. Nag-tosscoin kami para malaman kung sino ang unang magiging Escape team, at kami iyon.

Mabuti naman at walang hangover ang tatay kong ito.

"Alam niyo naman na siguro ang Rules?"

"Yes sir!" Ang sagot naming dalawa ng PL ng kalaban namin ngayon. Pinaliwanag na sa akin ito noon pa ni Ate.

Isa dito ay ang "Bawal ang Zombie." Ibig sabihin ay kapag natanggal na ay hindi na ito pwede pang lumaban. Magtataas ito ng isang white flag na nakatali sa muzzle ng kung anong baril na gamit bilang patunay. Mayroon ding sensors ang suot naming vest para madetect kung sapat na ang tama ng bala nito para masabing out kaya hindi pwede peke-in (nakadepende sa bullet type ang damage). Wala nang iba pang gagawin sa labanan na iyon bukod sa magpunta sa designated 'Safe Zone' ng gagamiting stage. Bukod sa hindi sila pwedeng bumaril, hindi na rin nila pwedeng kontakin ang mga kasamahan nila. Kumbaga, 'patay' na sila. Tulad nga ng sinabi ko dati.

Kasama nito ang "Bawal bumaril ng Zombie." Kasi, bakit pa nga ba? Unless may galit ka sa kanya, which is also not a valid reason.

Isa pa ay ang "Aim for the head, not the eyes." Ginawa ang mga paint bullets na ito para maalis na ang peligro sa ganitong labanan na nagmula pa sa insidente noon involving Rica. Katulad lang nito ang mga rubber bullets pero naglalabas ito ng pintura on impact, katulad na lang ng ginagamit nila sa mga paintgun noon. Clue word, on impact. Ibig sabihin ay ramdam pa rin talaga ang pagtama nito sa katawan. Obviously, kapag tumama ang balang ito sa mata, hindi lang pintura ang kulay pulang likido na bubulwak mula doon.

May isang rule pa na para sa Escape lang. Iyon ay ang "huwag harangan, physically, ang mga tatakbo sa Escape point." Pwedeng barilin syempre. Bukod pa doon, hindi pwedeng tumagal ang kahit na sinong miyembro ng Defense team sa Escape point; pwedeng dumaan pero hindi bumaril.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon