Chapter 09 - Boiling Point

1 0 0
                                    

...


Maaga kaming umalis ni Marisa sa bahay ng mga Duo para makapagbihis sa apartment ko, kung saan iniwan niya ang kanyang kagamitan at pansamantala kong housemate sa kabuuan ng aming Finals Battle para hindi masyadong ma-late. Nagpaiwan si Christie sa kanila para asikasuhin si Ma'm Chrys, na siya namang may hangover sa paglalasing nito kahapon. Hindi naman kami nahirapan dahil isasabay na lang din Christie ang mga baril namin.

Bago iyon ay hinintay muna naming dumating si Max sa bahay nila, pero naghintay lang kami sa wala. Sinubukan namin siyang kontakin sa kanyang phone pero nagring lang ito sa kwarto niyang tinulugan namin ni Marisa.

Hindi ko napigilan si Marisa na buksan ang cabinet ni Max na, inisip niyang, posibleng lagayan ng baril nito. Sure enough, nakita nga naman namin doon ang assault rifle na ginagamit niya pati ang magazine nito. Katulad kagabi ay sinubukan pa rin naming maghanap ng clue sa ginagawa ni Max, pero wala pa rin. Kahit na anong bagay na magsasabing pumasok siya sa kwartong iyon ng saglit kahit na tulog kami.

Dumating kaming dalawa ni Marisa sa meeting place naming magkakaklase. Marami-rami na kami dito pero pinag-headcount ko pa rin sila, sa tulong ng sekretaryang si Marisa, para masigurado na rin sa bilang. Kulang pa kami ng sampu, including Max at Christie.

"May ideya na kayo kung nasaan si PL, Rica?" Ang tinananong sa akin ni Sasha nang makita niya ako.

"Posibleng may tinanggap siyang misyon na napatagal lang siya. Makakarating naman dito iyon on-time." Ang sinagot ko naman. Hindi kumbinsido si Sasha at ang ilang nakarinig pero tinanggap na lang nila ito. Kahit ako ay hindi sigurado sa aking sinabi at pinaniniwalaan ko lang ang note niyang iniwan.

"Sa ngayon ay importanteng i-focus natin ang sarili natin sa labanan. Tulad ng sinabi ni Max ay dalawang grupo ang kalaban natin. Mahirap ito pero alam kong kakayanin natin."

"Hindi man si Darling ang mamumuno sa atin ngayon, gusto kong sundin pa rin natin ang sasabihin ng papalit sa kanya."

"Wala namang sinabi si Kuya na hindi siya kasali ngayon hindi ba? We still got him. May tutulong pa rin sa atin."

Sinabihan ko silang magbigay na kani-kanilang gustong sabihin para mapataas ang morale ng bawat isa. Hindi ko inakalang epektibo ito dahil wala sa kanilang pinanghinaan ng loob.

Sa totoo nga, ang grupo na madalas inaasar si Max na tungkol sa kaswertehan nito ang sila pang nagpatawa sa grupo.

"Papahiyain ko 'yang si Duo kapag nanalo tayo."

"Oo nga. Hindi porket swerte siya sa chicks ay siya lang ang din ang swerte natin."

"Tandaan mo, Max. Babawi pa kami sa'yo."

Hindi ko mapigilang matuwa rin sa sinabi nila. Pero tama sila. Kahit na sabihing malaki ang epekto sa grupo na nandoon si Max, kami pa rin ang lumalaban at hindi lang siya.

"S-salamat pa rin kay Max na nagkaroon ako ng kaklaseng katulad niyo. Hindi ko alam kung paano ako magkakaroon ng kaibigan sa pagiging mahiyain ko. G-gagawin ko ang makakaya ko para tulungan ang ating mga Sniper para lang manalo tayo." ...ang sinabi ng pinakahuli at pinakamahiyain sa lahat, si Lisa.

"GO CLASS S53! GO SHOOTERS!! GO!!!" Ang sinigaw ng mga kaklase ko. Hindi ko alam ang tungkol dito, pati si Marisa ay nabigla din.

"Pasensya na. Kami talagang may pakana nito. Hindi lang ako nagkaroon ng tsansang sabihin sa inyo ito." Ang sinabi nila Duran.

Okay lang din naman na hindi kami sumali sa cheer na iyon. Nakakahiya kasi dahil napatingin ang ibang nandoon sa amin.

Sa hindi naman kalayuan ay napansin kong may iba ding nakatingin sa amin. Hindi sila katulad ng iba na nakatingin lang dahil nagulat sa ginawa namin. Ang tingin ng mga ito ay may galit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon