Chapter 06 - Another Strange Duo

1 0 0
                                    

...

"Haa... 'Buti naman at tapos na." ...ang Written Exams. Sinayang ko ang isang gabi ko para makareview para dito ah.

"Okay lang kayo, Max at Marisa?"

Ah, hindi lang pala ako. Sabay kaming apat na lumabas at kasalukuyang nakatayo sa labas ng Piel.

Wala kaming practice battle ngayon dahil nga sa exam period.

Exam? Finals Exam of course. Hindi naman porket may Finals Battle kami para dito ay hindi na kami magtetake ng exam. Noong Midterms din ganito.

"Tingin ko okay lang ako. 'Kaw Marisa?"

"I'm still alive, Darling."

Hindi ko inaasahan ang exam na 'yun. Lalo na ang Math.

To be honest, kahit na Math teacher ang Ate ko, mahina talaga ako sa subject na 'yun.

"Nakaramdam ako bigla ng "Save the best for Last" vibe sa Test natin ngayong araw." Paano, ang huling subjects namin ngayon ay Math, IT Fundamentals, at Science. Tatlo sa matitinding subject para sa strand ko. Pagsabayin ba naman ang Math pati ang Binary addition/subtraction ng IT Fundamentals. Pati pa ang pagkuha ng Density (sample lang) ng isang bagay para sa Science. Panay numero.

Dahil departmentals (meaning sabay-sabay kukuha ng exam ang bawat strand) ang mga test namin, isinagawa ang sa'min (Computer Studies) ngayong Wednesday at Thursday; wala kaming pasok sa ibang araw dahil nga sa nasabing tests. May kasabay din kaming ibang strand, ang iba naman ay sa mga naunang araw. Walang nakalagay na test schedule para sa Sabado dahil isang importanteng araw iyon para sa amin.

"Cheer up, Max. Next week na ang hinihintay nating Finals Battle." Ito pa. Hindi ako sigurado kung handa na ba talaga ako para dito. Panay na ang mock battle namin pero hindi ko makitaan ng improvement ang sarili ko. Platoon Leader pa man din ako.

Oo nga. Bakit biglang ang laki ng lagtaw? From midterms to finals real quick. Simple lang, wala namang nangyaring noteworthy sa mga nakalipas na araw bukod sa may ilan kaming naging side-missions.

Malaki ang naging improvement ng mga kaklase ko. By using myself and Christie as targets, naging mas maayos silang tumutok. Nagagawa na nilang mabaril kami parehas sa loob lang ng limang minuto kahit na panay iwas kami, mula sa dating hindi nila kami matamaan talaga. Though mas matagal lagi si Christie matamaan kaysa sa'kin. Kung iisipin ay kulang pa ang oras na iyon para talagang matamaan kaming dalawa, pero malaking improvement na iyon para sa mga kalabang hindi naman kasing liksi namin.

Bukod pa doon ay ang pasahan namin ng mga utos at impormasyon. Simpleng handsignals para sa malapitang utos at ang normal na orders sa radyo kapag malayo o hindi na kita ang handsignals. Noong una kasi ay umasa lang talaga kami sa radyo para magbigay ng utos kaya nagpapatong ang mga ito, kahit na magkatapat lang sila. Dahil doon ay nahirapan kaming magkaintindihan.

Nag-assign na rin ako ng mga magsisilbing group leaders just in case, pati na rin ang mga papalit sa akin kapag ako ay na-eliminate. Inayos ko ito by "rank" at sinabihan sila para hindi magkaroon ng unahan maging leader, though, hindi naman iyon gagawin ng mga kaklase ko.

Inabisuhan ako ng mga ito na, kahit na isa akong Active Scout, i-assess ko muna ang sitwasyon nang tago sa mata ng kalaban at kung sakali namang kakailanganin talagang alamin ang galaw ng mga ito ay gamitin muna si Christie o kaya ilang scout na malapit sa lugar.

"Marisa. Kung gusto mo, bumisita ka sa'min at tuturuan kita."

"No thanks, Christie. Tapos na rin naman ang exams."

Oo nga. Bukod sa naging malapit kami ulit, or should I say, naging mas malapit kami ni Christie sa isa't isa. Nagbago rin ang pakikitungo nito kay Marisa. Inamin nga niya sa'kin na may gusto siya dito eh. Hindi ko nga lang siya mabigyan ng payo dahil hindi rin naman ako marunong manligaw nang maayos.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon