Chapter 03 - Secrets

2 0 0
                                    

"Huy, Max. Gumising ka nga diyan."


"*yawn* Huh?" Anong meron? Sarap na ng tulog ko eh. Pero, bakit masakit ang likod ko?

Oh right, nakatulog ako.

"Mr. Duo. Can you please explain why this two liquids could not be mixed?" Sa tono na halatang naiirita. S**t! Nasa klase pa pala ako.

"Density." Tinuro na ito last year ah? "Because the density of oil is less than water. To add, if another liquid, say heavy syrup, is to be added to the mixture, it would go below the water because of its greater density."

"Uh huh... Good." So, Chemistry na pala subject namin. Kaya naman pala ako inaantok. That, at kakatapos lang ng lunch break namin at siesta time na dapat.

*yawn* Ang hirap talagang manatiling gising.

"Ito, Max. Mint candy. Nakakatulong sa akin ito para manatiling gising." Alok sa akin ng katabi kong cute na babae. Her name is Rica, ang aking partner. Nope, not that kind of partner, masakit man sa'king itanggi.

Simula noong araw na iyon ay naging ganito ang pakikitungo sa akin ni Rica. Hindi na yung tipong iritang-irita siya kapag nakikita pa lang ako. Kumbaga, naglevel-up lang pakikitungo niya sa akin mula noong unang araw. Para bang ito na ang tunay niyang ugali at hindi nagkukunwari lang.

Sa totoo nga, hindi ko na talaga alam ngayon kung anong tunay na ugali nito.

Matagal pa ang Doubles Shoot-out na tinutukoy noon ni Sir Mephisto. Next sem pa.

Matagal pa nga ito, pero iniisip ko na kung paano ang gagawin namin ni Rica dito.

Ang shoot-out na ito ay katulad lang din ng ginawa namin ni Ate Chrys noong nag-Mock battle kami sa entrance exam, 2 on 2 nga lang at hindi 1 on 1. Dalawang pares ang magtatapat sa isang field na minsan ay ginagawa lang sa isang basketball court.

Base sa kwento sa akin ni Ate Chrys, laging isang event na pinapanood ng madlang Piel ang end of sem naming mga senior high. No, hindi kasama dito ang doubles shoot-out. Ang Interclass Battle ang inaabangan ng mga ito, na kung saan maglalaban-laban ang bawat platoon ng bawat grade ng bawat strand. Ang laban na ito ay sobrang inaabangan na mayroon na ngang festival sa linggong iyon. Hindi ko lang alam ang details tungkol doon.

Saya 'di ba?

Oo nga. Nasabi rin ni Ate na kahit limangpu kami sa klase, dalawampu't lima lang ang pwedeng ipasok sa field at a time sa Interclass. Pwedeng mag-swap tuwing end ng round, kahit ang mga na-eliminate noong unang round ay pwede pang sumali sa susunod.

Kadalasang battle type ng Doubles at Interclass ay Elimination. Pero, sa Interclass, ay maaring maging Kill the Captain (Ang target ay ang kung sinong captain. Mabaril ito, talo na ang kabila), Escape (at least limang makatakas sa depense ng Defending team), at Annihilation (Katulad lang ng Elimination, pero ubusin ang buong 50-member ng klase.) Ang Annihilation ay madalas tinitira sa Finals ng Interclass dahil sa ito ang pinakamatagal na battle type. At kung nagkaganoon nga ay wala nang rounds na magaganap.

Nakita ko na kung paano maglaban ang Shooters Platoon, ang grupong hawak ko ngayon. Nagkaroon kami ng Mock Battle noong Biyernes, grupo ko laban sa grupo ni Rica. Hinati lang namin ang klase regardless of weapon class. Ang kinaganda lang ng platoon ay ang madaling pagsusunod nila sa mga utos. Pero, no offense sa kanila, ang kanilang shooting abilities ay 'subpar', with the exception of some. Ayoko namang magmukhang masama sa mga miyembro ko kaya hindi ko diretsang sinasabing ganoon sila.

May tyansa pa kaya kami sa Interclass nito?

"Ano naman iniisip mo diyan, Max? Kanina ka pa tulala." Siniko ako ng marahan ni Rica.

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon