Chapter 08 - A Problem

1 0 0
                                    

...


"Fall back!"

S**t. Ambush! Dito pa sa mapang unang beses kaming nanalo. Hindi. Nagkamali lang pala ako ng galaw.

Kami ngayon ay nasa UTG2 at kasalukuyang nasa huling round laban sa isang Business-something strand. Semi-finals na ito at kapag nanalo kami dito ay lalaban na kami sa Finals.

We have to win this.

Kumpara sa nauna naming kalaban, may galing ang mga ito at marunong ding magbigay ng mga utos ang kanilang commander at naisasagawa ito nang maayos ng kanyang platoon. Nararapat lang sa isang grupong umabot ng ganitong kalayo.

By the way, ang match type ng labanan ngayon ay Capture the Flag at double-flag mode. Kumbaga may flag ang bawat grupo na dapat protektahan upang hindi makuha ng kabila.

Nanalo kami sa unang round dahil pinagsama ko si Christie at Hanna para makalapit sa flag nila nang hindi napapansin at makatakas gamit ang liksi ni Christie. Mabuti nga't wala masyadong bantay doon kaya nagawa nilang makuha ito nang mabilis at makapagtago din nang mabilis. Ang naging problema lang namin sa round na iyon ay ang maraming kalabang nagpunta sa pwesto ng flag namin.

Katulad na lang din sa round 2. Nag-rush sa pwesto namin ang kalaban bago pa man kami makagawa ng maayos na defensive line katulad noong una. Ang dalawang retriever (ang tawag ko sa mga kukuha ng flag) ko ay hindi nakalapit kaagad sa flag ng kabila. And also, sa ganitong match type ay pinagpapalit ang starting point ng dalawang platoon.

Ngayon ay nasa pangatlong round na kami at mukhang delikado ulit ngayon.

"Atras tayo hanggang point B. Dito ay maghihiwalay tayo at maghahanap ng matataguan. Do not shoot unless I say so."

Ang starting point namin ay ang naging starting point namin sa pinakaunang laban, kaya mas kabisado ko kung saan kami magtatago.

"Snipers, may nakasunod ba sa'min?" Ang sinabi ko sa aking radio comm.

[Mayroon, Max. Isang grupo na pinapasok ang mga gusali. Hindi ko makita kung ilang eksakto. Mukhang kayo ang pakay ng mga ito.]

Sigurado akong nakita ng mga ito kung paano ko nagawang makalapit sa captain sa nakalipas naming labanan. Mag-iingat ang mga ito para hindi ko magawa sa kanila iyon.

"Do you have a visual on their commander?"

[N-negative, PL.] Ang sabi ng mahiyaing si Lisa, na nagawa naming maisali sa labanan ngayon kahit na natatakot siyang may gawing masama ang mga k*p*l na Accountancy Strand sa kanyang mga alaga, na pansamantala naming itinago.

"Okay.

Ganito na lang gagawin natin, makinig kayong mabuti. Dahil natatakot silang gawin ko sa kanila ang ginawa ko sa nakalipas na labanan. Gagamitin ko ito sa ating pabor."

[Alam ko ang binabalak mo Max. Huwag mong gawin iyan.]

"Ang kailangan ko lang ay ang sniper assistance mo Rica, ang ibang sniper ay protektahan ang mga retriever. Ang mga hindi retriever ay bumalik na sa flag natin at protektahan ito.

Simple lang ang naisip kong plano, ang gawing bait ang sarili ko. Mukhang naintindihan din ng mga kasama ko ang pinapahiwatig ko.

[PL. Delikado 'yan.]

"Don't worry. Parang hindi niyo naman ako kilala."

[We know, but-]

"Gagawin natin ang planong ito. I will take full responsibility sa outcome nito, manalo man o matalo."

ShootersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon