Chapter Seven

67 3 4
                                    

Rules

As they head out of the clinic, it was already night time. Nakabukas na ang mga ilaw, may mga nakakasalubong silang mga guro na nagsasara na ng kanilang mga silid-aralan at nagpapa-alam na sa isa't isa, at tila ba silang dalawa na lang ang natitirang studyante sa paaralan.

Bakit nga ba sila ginabi?

Well, it took while for Jihoon to convince the guy, and also himself, na they're somehow... linked to each other.

Nang mapaniwala niya ang lalaki, saka lang sila lumabas ng clinic.

Ang awkward ng atmosphere, sobra. Naglalakad sila ngayon palabas ng paaralan. May malaking bakante sa pagitan nila. Both of them are walking silently, but their minds? Sobrang ingay ng kanilang mga isipan. Sobrang dami nilang katanungan.

Paano, sino, bakit... the list goes on.

"U-uhm... gusto mo bang kumain muna o bukas na lang tayo mag-usap?"

"We both know na hindi tayo makakatulog mamaya kapag pinagbukas pa natin 'to. Alam kong marami ka ring tanong diyan sa utak mo."

"S-sabagay." Napayuko ang lalaki.

"Bakit ba nauutal ka?"

He was hesitating at first pero sinabi na rin niya ang dahilan,"N-nakakatakot ka kasi, eh." Mahina lang ito at sinabi niya ito habang nakayuko.

Imagine-in niyo 'yung pisngi niya at nguso niya mga be huhuhuhuhu.

'Nakakatakot ba talaga ako? Suntukin kita diyan, eh. Kaso masasaktan din ako, bwiset.'

Napakaseryoso naman kasi ng mukha ni Jihoon. Ni minsan habang nag-uusap sila, hindi man lang kumurba pataas ang labi nito.

Napatawa naman ng mahina si Jihoon, "Lee Jihoon."

"Ha?"

"Ako si Lee Jihoon--"

"Hakdog?" Nanlaki naman ang mata ni Jihoon.

"Pu--"

"Gusto mo ba ng hotdog?"

"Pero hakdog ang sabi mo--" Hindi na nakapagsalita si Jihoon nang biglang tumawa ang lalaki. Natigilan siya sa pagtawa nito.

Nawiweirdohan na si Jihoon sa kasama niya. Kung titingnan kasi ito, para siyang isang siga na hindi marunong ngumiti o tumawa, siga na walang alam kundi makipag-away at makipagbugbugan, siga na color black ang favorite color. Siga na nakakatakot.

Hindi ganito.

Handi ganitong palatawa, palangiti. Hindi ganitong sorry nang sorry. Hindi ganitong matambok ang pisngi. Hindi ganitong...

'Cute...'

"Puta, ba't tumatawa ka--" Alam niyo na nangyari, natawa na rin siya.

Nilapitan niya si Jihoon at hinawakan sa balikat. Kita mo na concern siya sa kaniya, "S-sorry, sorry. Nakalimutan ko." Muling ngumiti ang lalaki, "Kwon Soonyoung."

* * * * *

Nag-aya 'yung pisnging tinubuan ng mukha-- este si Soonyoung sa isang coffee shop. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa school. Bwiset, gabi na tapos magkakape pa kami? Anong trip nitong taong 'to? Kapag ako hindi nakatulog mamaya, pota.

Nung una nagtatalo pa kami sa kung ano ang oorderin. Pilit kong sinasabi na siya na lang ang kumain, hindi naman daw siya oorder kapag hindi ako um-order. Pero sa huli, umorder naman siya ng chicken pesto [A/N: Lol, Aeviry (from The Last Click, plug pa, 'ge) is that you?] at ng chocolate cake.

Linked || SOONHOON [ ON- HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon