Chapter 1

113 5 1
                                    

Chapter 1 (Edited)

Lexie's POV

Ohmygosh! Napa-bangon ako bigla at tumingin sa orasan.

6:30

Haay! Buti naman. Isang oras pa bago magsimula ang first class ko. Pumunta ako sa CR para maligo. First day of school ngayon eh. Kelangan maaga. Ayoko din naman malate noh? Baka pagalitan pa ko ni mommy.

Pagkatapos kong maligo. Dumiretso na agad ako sa salamin. Konting ayos lang at bumaba na ko.

"Oh hija, Kain na. Nagluto ako ng scrambled egg." Bungad sakin ni Manang. 

Siya lang kasi lagi yung kasama ko sa bahay since wala naman lagi dito si Mommy. After kasi mamatay ni daddy, always na siya busy sa business namin. Wala din naman akong kapatid para makausap. Diba? Ang sad.

"Manang, sabay kana po sakin." Ngumiti ako kay Manang at inalok yung pagkain.

"Nako, mamaya na. Hihintayin ko na ang Mommy mo bago ako kumain."

"Ah ok po"

Kumain na lang ako. Haay! Ang hirap pala kapag ikaw lang ang kumakain sa mesa noh? Parang mag-isa ka lang sa mundo.

Hindi rin naman ako tumagal sa pagkain. Nawala na rin naman ako ng gana nung malaman kong hindi ko makakasabay si Mommy sa pagkain.

"Manang, pasok na po ako. Tska paki-sabi na lang po kay mommy na magpahinga muna sya."

"Ah sige ija. Ingat ha?"

"Opo" Ngumiti ako kay manang at pagkatapos lumabas na ng bahay. Pumunta agad ako sa kotse ko at sumakay.

Bago ko pa man i-start yung engine ng kotse. Tinext ko muna si Mica.

To: Bestfriend Mica

Beh, papunta na ko sa school, kita na lang tayo.

Sent...

 

Pagkadating ko sa school, nakita ko na man si Mica sa gate ng school.

"Mica"? Tawag ko sa kanya habang tinataas ang kaliwang kamay ko. Agad naman siyang lumapit sakin nang mapansin nya ko.

"Oh Lexie, tara sabay na tayo pumasok." Aya sakin ni MIca.

Same school kami ni Mica lagi since Elementary pa kami. Always din kami magkaklase. Siya lagi yung kasama ko at kausap ko tuwing may problema ako. Laking pasalamat ko talaga at nakilala ko siya.

"Tara" Tipid kong sagot sa kanya . Habang naglalakad naman kami papunta sa room namin. May tinanong sya sakin.

"Best, diba 4th year high school na tayo? Try mo na kaya magka-boyfriend ulit."

Agad naman akong napatigil sa sinabi ni Mica. Hindi ko kasi alam sasabihin ko eh. Since nung iniwan ako ni Max, never na kong nagpaligaw . Oo, hanggang ngayon bakas pa rin sakin yung sugat sa puso ko.

Nginitian ko lang si Mica.

"Ewan ko sayo Mics. Tara na nga. Malalate na tayo sa first class natin oh?" Sabi ko sabay pinakita sa kanya yung relo ko.

Save Me from my PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon