Chapter 6
Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Mica. Medyo natagalan din ako dun kasi hinintay ko pa syang maka-tulog. Nakakainis yung lalaking may ugali ng mga ganun. Katulad lang nya si Max. Mga manloloko.
Flashback
Lakad
Lakad
'Ugh. Mica nasaan ka na ba? Bakit hindi kita mahanap? Nakakainis ka talagang babae ka. Lagi mo kong pinag-aalala.'
Sabi ko sa sarili ko. Kanina pa ko lakad ng lakad dito sa school para hanapin si Mica pero 'ni anino nya hindi ko makita. Napunta na ko sa mga CRs, sa Library, sa mga rooms, sa canteen. Nagtanong tanong na din ako sa mga teacher pero wala din. Naka-ilang calls na ko pero walang sumasagot.
Mapapatay ko talaga yung babaeng yun pag nakita ko. Ugh. Stress na nga ako sa nangyari kanina dadagdag pa siya. Hindi ba nya alam na 5pm na? Tapos hindi pa ko nakakakain kakahanap sa kanya? Langya.
Pero... baka naka-uwi na yun. Pero hindi rin kasi dapat nagtext man lang siya sakin. Nako talaga Mica.
Nagtatanong na ko sa mga nadadaanan kong mga studyante pero hindi rin nila nakita. Saan ba kasi nagsuot-suot yun? Tsk!
"Ate, nakita mo ba yung lagi kong kasama dito sa school?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.
"Ah.. Hindi eh."
"Sige. Salamat na lang." Ano ba yan. >.< Sino ba may alam kung saan ngayon si Mica?
Naglakad lakad na ko ulit baka sakali na makasalubong ko siya. Habang naglalakad ako bigla tumunog yung phone ko.
I wanna make you smile
Wherever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do, is grow old with you
Pagtingin ko. Sinagot ko naman agad yung phone.
"Hello best? Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap ah. Umuwi ka na ba--------"
[Nandito ako sa bahay. Puntahan mo muna ako dito pwede? Kailangan kita Lex.] Binaba na nya agad yung phone pagkasabi nya yun.
Umiyak ba siya? Bakit parang basag yung boses nya?
Pinuntahan ko muna yung kotse ko sa parking lot ng school at dumiretso sa bahay nila.
Pagkadating ko sa bahay nila Mica, bumungad naman sakin si Yaya Torry.
"Oh Lexie, naparito ka?"
"Si Mica po?"
"Sa kwarto nya bakit?"
Agad naman akong pumunta sa kwarto nya na hidi sinagot si Yaya Torry. Ang bastos ko naman ata. Sorry Yaya. Kailangan ko na pong puntahan agad si Mica eh.
Nagtungo naman agad ako sa kwarto nya.
"Mics" Tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon kaya nilapitan ko na siya at naupo sa kamang inuupuan din nya.
"Mica, anong nangyari sayo? Bakit lumiit yang mata mo? Umiyak ka ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya nang makita ko siya. Eh bakit nga kasi namaga yung mata? May namatay kaya syang kamag-anak?
"Lex, break na kami." Huh? Ano daw? Eh wala naman syang nakekwento na may boyfriend siya ah.
"Ano? Nino." Dapat ko talagang malaman kung sinong nagpaiyak sa bestfriend ko.
"Ni Tristan best. Ni Tristan Miller." Nalaglag yung panga ko ng sinabi nyang Tristan Miller. Ano ba kasing iniisip nya bakit sinagot pa nya yung mayabang na yun?

BINABASA MO ANG
Save Me from my Past
Ficção AdolescenteSi Lexie Lamper ay isa sa mga babae na hindi nakaka-recover sa kanyang past. Galit sa mga lalaking mayayabang at manloloko. Isang babaeng tahimik at simple. Pero paano kapag may dumating na isang cute at mabait na si Gian Tan at isang cute at sobra...