Chapter 5

56 3 0
                                    

Chapter 5

Lexie’s POV

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Wala din naman akong gagawin eh. Diba nga na-out ako sa class ko? -_- Grabe kasi eh. Sobrang grabe. Hindi pa din ako maka-get over. Isa pa man din akong honor student. Tska pag nalaman ni mommy na napaalis ako sa class ko, Aish.. Ewan ko lang.

Ughh..Nakakainis . >.<

KRUUUU KRRRUUU

 

Hala! Gutom na ata ako. Pero wala naman akong kasamang kumain. Hmmp. Mamaya na nga lang. Hintayin ko na lang si Mica. Tutal, marami kaming pag-uusapan.

Kinuha ko yung phone ko para makinig ng music. -_-

Habang nakikinig ako sa music, napansin ko namang maraming naglalaro ng soccer. Pero kung may anong naalala ako.

Flashback

 

“Lex, ang galing ko magsoccer diba?” Sabay kindat sakin. Ang hot nya pa rin kahit pawisan siya.

 

“Kaya ako nainlove sayo eh.” At kinindatan ko rin siya. Aba! Ayoko magpatalo noh?

 

Inibutan ko na lang siya ng towel. Basang basa ng pawis eh.

 

“I love you Lexie ko” Eiiiihh.. May tao bang namamatay sa kilig? Hihi.

 

“I love you too Max ko.” At niyakap ko siya. Sana ikaw na ang forever ko Max.

 

End of Flashback

 

Napansin kong basa na yung pisngi ko. Ang daya mo Max. Niloko mo lang ako. Ang tahimik kaya ng buhay ko, tapos guguluhin mo lang ng ganito.

May tumulo na namang luha. Ipinatong ko na lang yung ulo ko sa tuhod ko. Paano ba makalimot ng nakaraan? :’( Pwede paturo?

“Oh” Napa-angat ako ng ulo ko nung napansin kong may nagsalita.

“Nangangalay na yung kamay ko Lexie. Kunin mo na yung panyo pwede?” At kinuha ko din naman yung panyo. Sino nga ‘to? Gi---Gino ba?

“Salamat Gino.” Tapos tumawa siya? -_- Nagjojoke ba ko?

“Wala ako sa mood makipagtawanan Gino.” Ipinatong ko na ulit yung ulo ko sa tuhod ko.

“Gian po.. Hindi Gino. Hahaha.” Para yun lang pinagtatawanan nya ko? Ang bad nya ha? *pout*

Hindi na lang ako nagsalita. Wala din naman akong sasabihin eh. Baka mamaya sabihin nyang pa-FC lang ako. ‘-_-

“Nakita kitang umiiyak kanina kaya nilapitan kita. Kung may problema ka, pwede mong i-share sakin. Makikinig ako.” Seryosong sabi nya sakin. Hindi nga ako nagkamali. 100% sure na mabait talaga siya.

Save Me from my PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon