Chapter 2 (Edited)
Lexie’s POV
Naglalakad kami ngayon ni Mica papuntang Canteen. Pero alam nyo kung anong bukang bibig nya?
“Nako best, ang gwapo nya.”
“Best, diba bagay kami?”
“Siya daw yung cassanova sa pinanggalingan nyang school.”
“Pero best, perfect talaga siya. Perfect na perfect. Parang model nga siya eh.”
See? Kita nyo na? Kita nyo na? Ano ba kasi nakain nito at parang ewan dun sa lalaking yun?
OMG… Baka ginayuma siya? O di kaya? Haaalaaaaaa! O.O
May sumapi sa kanya? Oh no!
“Hoy best” Inalog-alog pa nya yung katawan ko.
“Ay palaka.. Ano ba Mica? Nag-iisiip pa nga ako eh.” Tss. Panira talaga ‘tong isang ‘to.
“You’re spacing out. Parang wala ka sa pag-iisip.” Ha? Ano daw? Ganun na ba kahalata sa mukha ko? Pero teka….. Bakit ko naman kasi iniisip yung transferee na yun?
Well, kasi concern lang talaga ako sa bestfriend ko. OO tama. Concern lang ako.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Mica. Wala din naman ako i-rarason sa kanya eh. Ano yun? Sasabihin ko na iniisip ko yung lalaking yun kasi concern ako sa kanya? Luhhh! Wag na. Baka kung ano pa isipin nito.
Umupo na kami sa table na napuntahan na namin sa canteen.
“Oh mica, ako na yung bibili sa counter. Hmmm, ano ipapabili mo?” Tanong ko sa kanya na kanina pa tingin ng tingin at pindot ng pindot sa phone nya. Ano meron?
“Ah.. best, kahit ano na lang.” Habang nakahawak pa siya sa phone nya.
Pumunta ako sa counter para bumili na.
Gosh! Wala namang bago sa canteen eh. Nakakasawa na ang mga pagkain. -_-
Reklamo ko sa sarili ko.
“Ah ate, 2 cheese burger and 2 fries with 2 ice tea na rin po.”
Agad naman inisikaso ni ate yung bibilhin ko. Nang natapos nang ibigay sakin ni ate yung tray pumunta agad ako sa table namin ni Mica.
Habang naglalakad ako tiningnan ko naman yung tray, para kasing may kulang eh. Hmmm? Ano ka-----
BOGSH!
“What the Fuck” Sabi nang nabangga ko.
“Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Tuloy, natapon yung ice tea namin.” Sabi ko sa kanya tska tinayo yung natumbang baso. Buti na lang hindi nabasa yungfries tska burger. Teka---- nasaan yung ketchup ng fries??
BINABASA MO ANG
Save Me from my Past
Fiksi RemajaSi Lexie Lamper ay isa sa mga babae na hindi nakaka-recover sa kanyang past. Galit sa mga lalaking mayayabang at manloloko. Isang babaeng tahimik at simple. Pero paano kapag may dumating na isang cute at mabait na si Gian Tan at isang cute at sobra...