Chapter 8
Mica’s POV
Pagkatapos kong marinig yung announcement ni Tristan, pumunta agad ako sa CR. B-bakit sila? Eh wala namang sinasabi si Lexie sakin ah. Tska siya pa nga ‘tong nagsabi na, isang manloloko si Tristan.. Pero ba’t ganun?
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba kung galit ako kay Lexie o ano. Basta! Hindi ko ma-explain. Ang alam ko lang, sila na ni Tristan. Si Tristan na niloko at ginawa akong parang laruan na pwedeng itapon kahit anong oras.
Ugh.. Bakit kasi ganito? Ang labo mo naman Lexie. Alam mo na… na may gusto pa rin ako kay Tristan pero bakit nasa sayo naman siya ngayon?
Gulong gulo na yung isip ko.. Hindi ko alam!
“Miss, Ok ka lang? Ba’t ka umiiiyak?” Sabi ng babae kakapasok lang ng CR.
Bigla ko namang pinunasan yung mga luha ko at lumabas. Mabuti pang hindi muna ako papasok. Hindi ko pa gusto makita ngayon si Lexie.
Lexie’s POV
Papunta ako ngayon sa next class ko. Hindi na ko babalik ng canteen. Baka kung ano lang naman dun yung maririnig ko eh. >.<
Habang naglalakad ako, bigla ko naalala si Mica. Oo nga pala, baka hinahanap na ako nun. Eh bwisit naman kasi yung lalaking yun eh. Kung hindi lang sana ako kinaladlad kanina, eh sana nandun pa ko ngayon sa canteen. Ugh! Panira talaga sa buhay ko. >.<
Tetext ko na nga lang siya..
To: Bestfriend Mica
Papunta na ako sa next class natin. Baka hindi na ako makabalik sa canteen.
Sent..
CLASSROOM
Konti pa lang kami dito. Hindi pa kasi ito yung time ng next class namin eh.
Para hindi ako mapatay ni boredom, kinuha ko na lang yung libro ko para magbasa basa..
Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa, napansin ko na marami ng pumapasok sa room. Anong oras na ba?
*Check ng Relo*
10:25.
Ok. 5 minutes na lang magsisimula na yung next class. Binalik ko na yung librong binabasa ko sa bag at niligpit na rin yung mga kalat nang may marinig akong mga bulungan.
BINABASA MO ANG
Save Me from my Past
Teen FictionSi Lexie Lamper ay isa sa mga babae na hindi nakaka-recover sa kanyang past. Galit sa mga lalaking mayayabang at manloloko. Isang babaeng tahimik at simple. Pero paano kapag may dumating na isang cute at mabait na si Gian Tan at isang cute at sobra...