Chapter 3

66 1 0
                                    

Chapter 3

 

Tristan’s POV

Pagkauwi ko sa bahay, nilapag ko naman yung polo ko sa mesa. Wengya kasi yung babaeng yun.

“Kuya, what happened to your polo? What’s with the color red? Are you fighting again?” Tanong sakin ng kapatid ko na hawak hawak ang bigay ni Daddy na teady bear. Akala nya ata dugo. Haha.

“Look Sofie, kuya is not fighting again. Ok? And never na ko makikipag-away ulit. Diba promise ko yun sayo?”

Tumungo naman si Sofie at ngumiti.

“Ok kuya. I trust you naman eh. I love you.” At niyakap nya ko. Ang kapatid ko talaga. Napaka-lambing.

“Ok Sofie, go to your room na. Pupuntahan kita mamaya. I love you too.” Nginitian ko naman siya. Tumalikod na siya at pumunta sa room nya. Ang cute talaga ng kapatid ko. Syempre, saan pa ba magmamana?

Pupunta na din sana ako sa kwarto ko nang dumating sina Dad and Mom. Always sila busy sa business namin kaya hindi na rin kami nagkaka-usap masyado.

“Oh anak, How’s your first day in East Ven University?” Salubong na tanong sakin ni Mom.

“Fine Mom.” Sabi ko sa kanya na naka-ngiti.

“Tristan, what’s happened?” Tanong sakin ni daddy na nakaturo sa polo ko.

“Dad, that’s not what you think.”

“Hindi ka pa rin nagbabago Tristan. Yan pa rin yung pinanggagawa mo. Hindi kana ba magbabago?” Galit na sabi ni Dad sakin. Hindi ba nya ko hahayaang mag-explain?

“Pero Dad natapunan lang yan ng------” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

“Michelle, pagsabihan mo yang anak mo.” At pumunta na siya sa kwarto nila ni Mom. Fuck! Walk Out na naman?

“It’s ok Tristan. Mainit lang ulo ng Dad mo.” Hindi ko na pinansin si Mom. Kinuha ko na lang ang polo ko sabay tungo sa kwarto ko.

FUCK! Sigaw ko sabay hagis ng polo.

Bakit lagi mainit ang ulo ni Dad pagdating sakin? Nagbago na din naman talaga ako ah. Hindi na ko nakikipag-away. At tska bakit hindi man lang nya pinakinggan ang explanation ko? SHIT! Sigaw ko pa sabay suntok sa unan.

Tumayo ako para puntahan si Sofie. Ako na lang magpapatulog sa kanya. Para mabawasan man lang ang init ng ulo ko.

Agad naman akong pumunta sa kwarto nya. At bago pa man ako makapasok sa room nya, may narinig akong boses.

“Sleep well my princess.” Hindi na ko pumasok sa kwarto ni Fia. Nandyan si Dad eh. Baka sigawan pa ko at magising si Fia.

Naisipan ko naman na pumunta na lang sa bar nina Vash. Siguro gusto ko lang maglasing ngayon. Ikaw ba naman pagalitan ng tatay mo na wala ka namang nagawang kasalanan?

Pumunta naman ako sa kotse ko. Nang nakarating na ko sa bar, pumunta agad ako sa counter at naupo.

Oorder na sana ako nang tumunog ang phone ko.

From: Mica

Sorry about kay Lexie. Hindi na nya yun uulitin.

 

So Lexie pala pangalan niya? Tss. At kainis din ‘to. Pina-alala pa nya yung babaeng bumangga sakin kanina. Kasalanan nya ‘to eh. Kung hindi nya ko binangga, edi sana hindi ako pinagalitan ni Dad.

To: Mica

It’s Ok sweety. ;)

 

Pero sa totoo, hindi ok. Isa din kasi siya sa dahilan… Kung hindi lang siya text ng text sakin kanina. Sana hindi ako nabangga sa babaeng yun.

Pero teka---- pano ko nga ba nakuha number nya?

Flashback

 

When I enter my room,

Omy... Ang gwapo nya.

Shet! OO nga. Ang cute pa.

Sino kaya siya? 

 

Shet, bakit kasi ang gwapo ko? ;) Hindi ko na lang sila pinansin. At nagpakilala kay maam.

Nang matapos na ko sa pagpapakilala kay Mrs. Jones, umupo naman ako sa bakanteng seat. At no choice.-_-  Sa kamalasan sa mga babae na naman ako natapat.

Nang naka-upo na ko, napansin ko naman yung babaeng sa gilid ko na nagpapa-cute ng sobra sakin. Tss. Pero pagtripan ko kaya ‘to? Haha. Tama! May magiging New Victim na naman.

“Hi” Bulong ko sa kanya. At kita ko naman na kinilig ito. Aba! NagpaHI lang, kilig agad? Tsk tsk. Iba na talaga ako.

“Pwede ba makuha Number mo?” Shet! First time ko ginawa ‘to. Eh pano kasi, sa dating kong school, sila yung nagpapahirap, makuha lang ang number ko. Hmmpp. Swerte na siya ha?

Nang bumalik yung pag-iisip ko, nakita ko na siya na hawak ang phone nya. Wow? Ang bilis.

End of Flashback

 

Nang umiinom na ko, bigla na lang ako naka-isip ng plano.

BINGO!!

Sabi ng utak ko. Tutal naman, may kasalanan yung Lexie na yun sakin. Pahirapan ko kaya? Tama. Tska yung bestfriend na din nyang malandi. *evil laugh*

A/N:

Maikli ba? Hehe. Sorry naman, masama ang pakiramdam eh. Hahabaan ko na lang sa next chapter.

I hope you like this chapter. :)

-Denisse

Save Me from my PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon