Lexie’s POV
“Good bye Maam!” Sabi namin nung paalis na si Ms. Garcia.
Haaay! Ngayon lang nagkaroon ng peace yung araw ko. Eh pano, hindi pumasok yung Tristan na yun. Wa ha ha! Sana hanggang buong school year na. XD
Pero wala naman si Mica. *pout* Ano na kaya nangyari dun? :/ Kahit isang text wala akong natanggap. Ok na kaya yun? Ughh. Bakit kasi siya pa yung napagtripan nang Tristan na yun eh. Eh marami namang ibang babae dyan. Tss. -_-
Papunta ako ngayon sa tambayan ko. Tutal, vacant naman namin eh. Oo tama, dun na lang.
Habang naglalakd ako, may nagtitiliin na naman. Aish.. Sure ako yung grupo na naman nila. -_- Kala ko pa naman whole day hindi papasok. -_-
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa puno. Yes! Ang ganda talaga dito. Yung kitang kitang mo dito yung kabuuan ng building nyo, tapos hindi mainit dahil sa malaking puno. Haay! Sana ganito na lang kaganda lagi. J
Kinuha ko yung phone ko para magFB saglit . Pampalipas lang ng oras. Wala naman kasi dito si Mica eh. :3
Scroll……
Scroll…...
Well, as usual walang bago -_- Puro mga madadramang Status. Hmmp! Hindi rin online si Mica eh. Maka-log out na nga.
LOGOUT…
“Ahhhhhhh” Sigaw ko pero hindi gaanong malakas. Bakit? Wala gusto ko lang. Siguro baka miss ko na din si Mica. Tawagan ko kaya? Baka ano nang nangyari dun eh.
Dialing Bestfriend Mica…
Hala? Ba’t pinatay?
“Boooooo”
“Ay daga” Natayo ako sa kina-uupuan ko nung may gumulat sakin.
“Hahaha. Epic mukha mo best.” Si Mica?
Pinuntahan ko naman siya at niyakap.
“Omg. Mics. Alam mo bang sobrang miss na kita?” Mas sobra pa ata sa sobra.
“Wait lang nga.. Bitaw muna pwede?” Binitawan ko naman siya.
“Hoy, bat hindi ka nagtitext sakin? Tska tinawagan lang kita ngayon ah. Kala ko pa naman kung ano nang nangyari sayo.”
“Ang OA ha? 1 day lang na hindi tayo nagkita ganyan na yang mga iniisip mo. Tska kasalanan ko bang wala akong load?”

BINABASA MO ANG
Save Me from my Past
Novela JuvenilSi Lexie Lamper ay isa sa mga babae na hindi nakaka-recover sa kanyang past. Galit sa mga lalaking mayayabang at manloloko. Isang babaeng tahimik at simple. Pero paano kapag may dumating na isang cute at mabait na si Gian Tan at isang cute at sobra...