Chapter 7

93 1 0
                                    

So far...limang babae na rin naman ang pinagmamalditahan ko para kay Gero. That is in three weeks time.  Grabe ilang babae ba pinagsasabay-sabay nito??? Ina-apply ba niya yung collect and collect then select??? Endangered species na yata talaga ang mga gentleman this days.  Buti nalang si Chance mabait, maalaga, gentleman.  Speaking of, nakalimutan ko na siya actually.  Kahit ngayong naalala ko siya wala ng pain, regrets, or crayola peg.

Kasama ko si Lucila ngayon sa Kenny Roger's.  Eto na rin ang dinner ko kasi inabot na kame ng 7pm sa library para sa research na ginagawa namen.

"Can I join you?" - sabi ng isang estranghero habang isusubo ko na sana yung mac and cheese.  Punyeta namang kabastusan yan...manong hintayin munang makasubo ako at makanguya diba.

Nung tiningnan ko si Lucila na katapat ko para sana siya na ang sumagot, aba, ang babae nakanganga at nakatulala sa kung sino mang bastos na lalake.  Pagtingin ko, si Jethro. Ngayon lang ba nakakita ng gwapo si Lucila??? Wala bang gwapo sa probinsiya? Eh halos hindi naman probinsya ang Bulacan diba? Malapit na rin naman yun sa sibilisasyon.

"Hoy Lucila, hindi ulam si Jethro wag ka nga maglaway diyan. 

Jethro you sit beside Lucila." - and I continued eating.  Pwde ba gutom na gutom ako dahil sa research namen, kailangan ko ng lamanan sikmura ko. 

Tahimik din silang kumakain, si Lucila parang tanga kasi nagb-blush.  Si Jethro naman nagte-text every now and then.

I finished eating...grabe I'm so full.  Reward ko sa sarili ko for today.  Feeling ko kasi sobrang napagod ako sa research namen. 

"Raffy...nasa labas si Gero." - sabi ni Jethro. Ano ba yan.  Gabi na eh. Hindi ba pwdeng ipagpa-bukas nalang namen toh?

"Ihahatid ko si Lucila sa dorm." - palusot ko.

"I'll send her home.  Gero needs you, galing pa siya ng UST niyan."

"Peste ka!!!So kasalanan ko?? Dapat may konsensiya ako na dapat i-meet ko siya kasi pagod siya galing University at nag-effort siyang pumunta dito??"

"Hahaha...sige na.  Ako na bahala dito kay Lucila." - sabi niya sabay akbay kay Lucila na nangangamatis na ang mukha.

Hinampas ko si Jethro ng sobrang lakas na tipong mapapaaray siya.

"Bitawan mo yan!!! Ako maghahatid sakanya wala akong tiwala sayo."

Tumayo na ako at inaya na si Lucila, nakasunod lang samen ni Jethro. Paglabas ng Kenny, nandun nga si Gero at naghihintay kaya inunahan ko na.

"Ihahatid ko pa si Lucila."

"Get in the car.  We'll bring her home, saka tayo aalis." - binuksan na niya ung back seat at passengers seat.  Nakakabastos naman kung magwa-walk out ako diba.

Walang gamit na sasakyan si Jethro kaya tabi sila ni Lucila sa backseat.  I glared at him at pinaalalang wag na wag niyang hahawakan ang kaibigan ko.  Baka kasi matulala siya hanggang bukas at ma-coma ng tuluyan.

Nag thank you si Lucila kay Gero pagkahatid namen sakanya tapos nag smile kay Jethro...aba malandeeee!!!! Jusko Lucila,  hindi mo pa sila kilala.  Hindi sila dapat nilalapitan lalo na ng tulad mo. 

After namen ihatid si Lucila, bumalik lang kame sa harap ng Kenny then bumaba na si Jethro at tumayo lang sa labas. Anong ganap ito????

"Raffy, sumama ka samen." - sabi ni Gero, I burst into laughters kasi parang kinikidnap niya ako.

"Gero, I'm already with you. Kinikidnap mo ba ako??? Anong kotse gusto mo I'll tell my Dad." - of course I was sarcastically saying that.

"Tsk!!! May drag racing kame ngayon."

"Woootah!!!! Punyemas ka!!!! Ipupusta mo ba ako??? Ayokong sumama!!!! Leche ka!!!!" Saka ko siya pinaghahampas.  Walanghiyang toh, kaya pala niya ako tinulungan kila panget noon kasi gusto niya siya ang pupusta saken.

"Raffy stop baliw ka ba? I told you we're friends and I'll protect you.  Hindi naman ako lalaban. Saglit lang tayo doon.  I just want them to see you, so they would know not to get near you."

"Ahhhh...." I stopped hitting him. "Akala ko kasi tapos na yung Gero protection program ko eh hehehe...sorry." ^_^

"Tsk!!! Don't worry, I haven't met my karma yet." - sabi niya sabay ngisi.  Tinawag na niya si Jethro saka kame dumiretso sa Libis.  I called Mom and informed her na late na ako uuwi. Pagdating namen sa Libis...syet ang daming kotse!!!!! Hndi naman dito ung drag race nila, dito lang ang meet up.

Bumaba kame sa kotse. Nagtataka ako why everyone is staring at me, from head to foot.  I'm sure naman this isn't the first time na nakita nila si Gero na may kasamang magandang babae. And before I could even glare at someone, I realized

I'm wearing my school uniform!!!!!!!!

Gawd!!!! What the hell was I thinking, dapat pala nagpaiwan nalang ako sa kotse. Gero saw na mukhang bothered ako.

"What's wrong?" - tanong ni Jethro saken.

"Eh kasi naka-uniform ako." :(

Saka siya tumingin sa paligid, see almost everyone is staring!!! Nakakainis naman eh.

"May problema ?" -tanong ni Jethro dun sa grupo ng mga babaeng naka pekpek shorts at litaw pusod na tshirt.

Si Gero, bigla akong inakbayan. " I know she's pretty  but please stop staring at my girlfriend."

Pagkasabi niya nun inirapan ako nung mga babae.  Tingin ko naman iniisip nila na sooner or later maghihiwalay din kame ni Gero tulad ng iba.  Excuse me!!!! Ako ang girlfriend niya hanggat dumating si Karma. Pesteng mga toh.

Hinawakan ako ni Gero sa kamay, normal na yan kasi ako nga ang acting girlfriend niya.  Isa pa hindi ko naman ikabubuntis yan. Naglakad kame papuntang Starbucks, nung bigla kong makita sila panget.  Nagtago ako sa likod ni Gero sabay kapit sa tshirt niya.  Lecheng mga panget na toh, di ko ineexpect na magkukrus na naman landas namen.

Hinila ako ni Gero sa tabi niya saka sinabing " act as if you're my girlfriend, pero wag kang maldita. I'll be the one  protecting you."

Inayos ko na sarili ko saka ako tumabi sakanya.  May pinakilala siyang lalaki saken, tapos ang sagot lang nun eh " Ah so she's Raffy." Ay kilala na ba ako dito sa mundo ng mga drag racers???

Umalis na rin kame at bumalik sa kotse after their short conversation na hindi ko naman naintindihan.  Si Jethro nagpaalam na kay Cas nalang daw sasabay kasi may kasamang mga  babae.  Hay nako....basta babae talaga.

Nagdrive kame papuntang venue. Nagpromise si Gero na 30mins lang kame dun, susuporta lang daw kasi siya kay Cas.  When we reached, grabe!!!! Mas maraming tao, mas maraming kotse, madaming gwapo, madaming pretty...lahat mukhang mayaman. May music na nanggagaling sa kung kanino mang kotse yun, and some people are dancing to the beat.

Dumiretso kame sa pwesto nila, malayo palang nakita ko na si Jethro may nilalanding babae.  Yung isang lalake naman na nakatalikod dalawang babae kalampungan niya, hay parang alam ko na ang ganap mamaya.

"Oh Gero you're here " - Jethro

"Hi Gero " - duet nung mga babae..sus if I know kung hindi ako kasama nito, malamang parang pusang maglalandi rin sila ke Gero.

Nagsmile lang siya sakanila saka umakbay dun sa lalakeng nakatalikod. Lumapit saken si Jethro saka nangulit na hingin ung number ni Lucila, eh ayoko nga ibigay kasi alam ko naman gagaguhin lang niya yung kaibigan ko. 

Kasalukuyan kameng nagtatalo nung pinakilala ako ni Gero kay Cas.

"Raffy, this is Cas..Cas meet Raffy."

Hinampas ko muna si Jethro bago lingunin si Cas.

"Chance???????" -

FINDING CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon